^

Bansa

Local maritime industry, dismayado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dismayado ang buong maritime industry sa desisyon ng Senate Committee on Overseas Workers Affairs na alisin ang escrow provision sa Senate Bill 2221 o ang bersyon ng Magna Carta of Filipino Seafarers sa naganap na hearing noong isang linggo sa Senado.

Bagama’t si Sen. Raffy Tulfo ang umuupo bilang chairman ng nasabing Senate committee, si Sen. Risa Hontiveros ang nagtulak para alisin ang escrow provision sa panukalang batas sa bersyon ng Senado gayong bahagi na ito ng bersyon sa Kongreso na ipinasa sa third and final reading noong Marso. Hindi rin nagsagawa si Sen. Hontiveros ng anumang konsultasyon sa sinumang stakeholders ng lokal na industriya ng maritime.

Ipinasok ng mga kinatawan ng Kongreso ang escrow provision sa Magna Carta of Filipino Seafarers upang wakasan ang pananamantala ng mga ambulance chasers sa mga marinong Pilipino at foreign shipowners sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga bogus claims cases sa NLRC o sa NCMB. Karaniwang napupunta ang mahigit 50% ng pera mula sa mga claims cases na ito sa ambulance chasers na patuloy na pinagpipiyestahan ang maling sistema.

Ang maling sistema ng claims cases sa Pilipinas ang dahilan kung bakit unti-unti nang umaalis ang maraming mga shipowners sa bansa upang kumuha ng mga marinong Pilipino para magmando sa kanilang mga barko. Sa halip ay mas pinipili na lang nilang kumuha ng mga marino sa ibang bansa kagaya ng India, Indonesia, Vietnam, pati na sa ilang bansa sa Africa.

Ang suporta ni Hontiveros para alisin ang escrow provision sa Magna Carta of Filipino Seafarers ay galing naman umano sa grupong Migrante at iba pang labor groups na wala namang kinalaman o sapat na kaalaman sa industriya ng pagbabarko.

Ayon sa mga taga-maritime industry, sana ay damayan sila ni Sen. Hontiveros sa kanilang pagluluksa sa nalalapit na pagkamatay ng industriya ng pagbabarko sa bansa.

NCMB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with