Vise Presidente Sara, kumalas na sa Lakas-CMD
MANILA, Philippines — Kumalas na si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) Party.
Sa kanyang pahayag, inanunsyo ni Duterte ang kanyang irrevocable resignation bilang miyembro ng Lakas-CMD, epektibo kahapon.
Nagpasalamat naman si Duterte sa lahat ng party members na sumuporta sa kanya at sa pagkakataon na maging bahagi ng partido.
“I am grateful to all the party members for the support that also once demonstrated that unity is possible to advance our shared dreams for our fellow Filipinos and our beloved country,” sabi ni Duterte.
Nagbitiw si Duterte sa gitna ng mga usap-usapan ng posibleng kudeta laban kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Hindi naman binanggit ni Dutere ang dahilan ng kanyang pagbibitiw pero nabanggit niya na nahalal sya dahil sa tiwala ng publiko at ayaw nyang masira ito dahil sa political toxicity at political powerplay.
“Nothing is more important to me than being able to meaningfully serve our fellow Filipinos and the Philippines — with President Ferdinand Marcos Jr. leading the way. Trust that my word, my commitment will be immutable,” sabi pa ni Duterte.
Ang pagbibitiw ni Duterte ay kasunod naman ng pag-demote kay dating Pangulo at Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo, na isa ring miyembro ng Lakas-CMD, na pinalitan bilang Senior Deputy Speaker at naging Deputy Speaker na lang.
Ang dahilan ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe ay para raw mapagaan ang trabaho ni Arroyo.
Pinalitan si Arroyo ni Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. - Joy Cantos
- Latest