^

Bansa

Pangulong Marcos Jr. nagpa-raffle ng house & lots

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos Jr. nagpa-raffle ng house & lots
Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “Kadiwa ng Pangulo Para Sa Manggagawa” outlet na sinalihan ng 150 negosyo at sellers mula sa iba’t ibang ahensiya gaya ng DOLE, DTI, DA, DSWD sa 121st Labor Day commemoration na ginawa sa SMX Convention Center, Pasay City kahapon. (PNA photo/Alfred Frias)
PNA photo/Alfred Frias

MANILA, Philippines — Nasorpresa ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang mga manggagawang dumalo sa kick-off Labor Day celebration kahapon sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Ito’y matapos na magpa-raffle ang Pangulo ng limang house and lot.

Mismong si Marcos ang bumunot ng pangalan ng mga manggagawang nakatanggap ng bahay at lupa sa pamamagitan ng Pag-ibig Fund.

Masuwerteng nabunot sa raffle sina Anna Lara, Cipriano Reyes Basalo, Deborah Romero, May Justine Villarin at Heda Villada.

Tatlong house and lots lamang ang orihinal na ipapamigay ng Pangulo subalit ginawang lima dahil ang unang dalawang pa­ngalan na nabunot ay nasa acti­vity center ng Kadiwa ng Pangulo na nakahiwalay ng lugar sa SMX Convention Center.

Ayon sa Pangulo, kinu­rot-kurot niya si Housing Secretary Gerry Acuzar para madagdagan pa ng isa ang bahay at lupa na ipapa-raffle.

Nauna rito, sinaksihan ng Pangulo ang memorandum of agreement sa pagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para suportahan at palakasin ang puwersa ng mga manggagawa sa pamamagitaan ng livelihood programs, job creations at skills training.

SMX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with