^

Bansa

104 estudyante sa Laguna na-ospital sa dehydration habang nasa fire drill

Agence France-Presse
104 estudyante sa Laguna na-ospital sa dehydration habang nasa fire drill
Ilang eksena matapos magkasa ng surprise fire drill sa Gulod National High School - Mamatid Extension sa Cabuyao, Laguna, ika-23 ng Marso, 2023
(Released/Cabuyao City Disaster Risk Reduction and Management Office)

MANILA, Philippines — Mahigit 100 estudyante ang dinala sa ospital habang nasa surprise fire drill sa Gulod National High School - Mamatid Extension sa Cabuyao, Laguna nitong Huwebes, sabi ni Cabuyao City Mayor Dennis Hain at City Disaster Risk Reduction and Management

Libu-libong estudyante noong Huwebes ang sinasabing nagtipon bandang tanghali kaugnay ng fire drill. Matapos ang tatlong oras, inilabas daw sila sa open field at nabilad ng 30 minutes sa gitna ng init ng araw. Marami raw sa mga bata ay hindi nakakainom ng tubig at nagugutom na.

"Ang totoong nangyari... Ang 3,000 estudyante ay pinapasok sa classroom at doon ay sila'y nagsiksikan sa kabila ng init ng panahon na ang ating temperatura ay nag-a-average ng 36 to 43 [°C]," ani Hain sa isang video kahapon.

"Medyo sobra po talaga ang init... talagang kung may karamdaman ka ay maaaring may mangyari sa iyong masama... Nakulong doon ang mga bata sa atas din ng mga guro... At naghintay nang matagal, mahigit kumulang ho sa tatlong oras na nagihintay."

Hindi rin daw pinayagang magsuot ng sumbrero ang mga estudyante kahit na tirik na tirik ang araw. Nang bumalik na raw sa mga silid-aralan ang mga estudyante, nagkakandahilo na ang mga bata, nawalan ng malay habang ang iba naman ay nagsi-seizure. 

Sa ulat ng News5 ngayong Biyernes, lumalabas daw sa paunang imbestigasyon na dehydration at hypoglycemia ang dahilan kung bakit nahilo at nahimatay ang mga mag-aaral.

Nagpaalala naman ang Cabuyao City CDRRMO na dapat panatilihing ligtas ang mga fire drills at makipag-ugnayan ang mga paaralan sa Lungsod ng Cabuyao sa otoridad kung magdaraos ng drills upang maabisuhan sa mga tamang pamamaraan.

"Sa kabuuan, 104 na mga estudyante mula sa GNHS - Mamatid Extension ang dinala sa Cabuyao City Hospital, at Ospital ng Cabuyao upang mabigyan ng karagdagang atensyong medikal," sabi pa ng CDRRMO.

Sa kabila ng lahat, may mga bago pang estudyanteng isinugod sa ospital bunsod ng panic attacks at pagkahimatay.

Kanina lang nang sabihin ni Hain na pansamantalang sinususpindi ang mga klase sa naturang hayskul sa dahilang may mga estudyante pa ring nahihilo dulot ng init ng panahon. Sa Lunes na raw uli magbabalik ng mga regular na klase.

Kahapon lang nang mag-isyu ng "El Niño Watch" ang PAGASA. Maaari raw kasing mag-develop ang naturang phenomenon sa pagitan ng Hulyo hanggang Setyembre at maaaring tumagal hanggang 2024.

Tumataas ang posibilidad ng below-normal rainfall conditions sa tuwing nangyayari ang El Niño na maaaring mauwi sa dry spells at drought. Dahil dito, inaabisuhan ng state meteorologists ang publiko na magtipid ng tubig.

DEHYDRATION

EL NINO

FIRE DRILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with