^

Bansa

Overloading ng MT Princess Empress, posibleng dahilan ng paglubog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinitingnan ngayon ng mga awtoridad ang posibilidad na lumubog ang MT Princess Empress dahil sa overloading dahil sa karga nitong halos 100,000 litro ng industrial fuel na lagpas sa unang deklarasyon na 800,000 litro lamang.

Ayon kay Batangas Port Manager Joselito Sinocruz, sa kanilang radar monitoring bago ang paglubog ng barko, nadiskubre nila na tumatakbo lamang ng 3.6 knots ang MT Princess Empress, mas mabagal pa sa pinakalumang barko sa port na tumatakbo ng 6 knots.

Nagkaroon din ng obserbasyon na sadyang mabagal ang takbo ng barko bago pa ito lumubog na indikasyon na sadyang mabigat ang dala nito.

Makaraang na lumubog ang MT Princess Empress ay tumawag sa kanila ang kapitan nito na si Lawrence Bongalos at iniulat na tuluyang lumubog na ang kanilang barko na taliwas sa naglabasang ulat na ‘half-submerged’ lamang ito.

Naibigay ng kapitan ang coordinates ng pi­naglubugan ng barko na ipinasa agad nila sa ­Philippine Coast Guard (PCG) ngunit sa ibang lugar umano nagtungo ang PCG. Dahil dito, umabot pa ng ilang araw bago natukoy ang tunay na lokasyon ng barko at nagsimula nang tumagas ang langis.

Sinabi ni Sinocruz na ipinadala nila sa Coast Guard ang recording ng interview sa kapitan ng barko kung saan idine­talye ang coordinates ng pinaglubugan ng barko.

Samantala, sa isang dokumento naman ay natuklasan na may hawak na Coastwise License ang MT Princess Empress na siyang permiso para payagan na magkaroon ng ‘coastwise trading’ ang barko. Nilagdaan ang dokumento ni Engr. Jaime Bea, direktor ng Maritime Industry Authority Region 5.

PRINCESS EMPRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with