^

Bansa

Cha-cha panggulo lang sa Executive, Legislative

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Cha-cha panggulo lang sa Executive, Legislative
Sinabi ni Sen. Imee Marcos, bagamat totoo na mara­ming dapat baguhin sa konstitusyon ay hindi naman ito ang dapat atupagin ngayon tulad ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Magiging panggulo lamang umano sa trabaho ng Ehekutibo at Lehislatura ang pagsusulong ng Charter Change o Cha-Cha.

Sinabi ni Sen. Imee Marcos, bagamat totoo na mara­ming dapat baguhin sa konstitusyon ay hindi naman ito ang dapat atupagin ngayon tulad ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Paliwanag ni Marcos, mas kailangan ngayong pagtuunan ng ehekutibo at lehislatura ang trabaho, inflation o bilis na pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo gayundin ang kakulangan sa pagkain.

Gayundin, dapat tutukan ang peace and order katulad ng pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at Aparri Cagayan Vice Gov. Rommel Alameda.

Siniguro naman ng senador na chairperson ng Se­nate Committee on Electoral Reform na magkakaroon ng panahon o tamang tiyempo sa pag-amyenda sa konstitusyon.

Sa ngayon tanging si Sen. Robin Padilla ang aktibong nagsusulong sa Senado ng Cha-cha.

EHEKUTIBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with