Con-Con Bill, aprub na sa Kamara

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang araw na mainitang debate sa plenaryo ng Kamara, pinagtibay na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Constitutional convention (Con–Con) Bill na paraan upang amyendahan ang probis­yon sa ekonomiya ng 1987 Constitution.

Sa botong 301 pabor at 7 kontra, napagtibay ang House Bill (HB) 7352 para ipatupad ang Charter change o Cha-cha.

Kabilang sa mahahalagang nilalaman ng bill ang 7 buwang termino ng Office of the Convention simula Disyembre 1, 2023 hanggang Hunyo 30, 2024.

Binigyang diin ni Speaker Martin Romualdez na ang inisyatibo sa constitutional reform ay naglalayong baguhin ang mahigpit na probisyon sa ekonomiya para pumasok ang dayuhang pamumuhunan sa bansa, lumago ang ekonomiya at lumikha ito ng trabaho para sa mga Pilipino.

“We need more foreign capital to create additional job and income opportunities for our people. Increased investments will sustain our economic growth,” anang solon.

Sa ilalim ng HB 7352, ang amyenda sa Cha-cha ay iindorso sa panukalang Con-con na isusumite sa mga tao para sa ratipikasyon sa isang plebisito na gaganapin 60 araw at hindi lalagpas sa 90 araw matapos ang pagsusumite ng convention report sa Pangulo at sa Kongreso.

Show comments