^

Bansa

Halos 9K kaso ng child abuse naitala noong 2022

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Halos 9K kaso ng child abuse naitala noong 2022
Sa isang televised public briefing, sinabi ni CWC executive director Undersecretary Angelo Tapales  na ang nasabing bilang ay nagmula sa kabuuang ulat mula sa mga children protection units sa mga ospital at sa helpline ng CWC.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Halos 9,000 na kaso ng child abuse ang naitala noong 2022, ayon sa Council for the Welfare of Children (CWC) nitong Biyernes.

Sa isang televised public briefing, sinabi ni CWC executive director Undersecretary Angelo Tapales  na ang nasabing bilang ay nagmula sa kabuuang ulat mula sa mga children protection units sa mga ospital at sa helpline ng CWC.

“Batay po sa datos na nakuha namin sa women and children protection unit na pre­sent po sa mga hospital natin sa buong Pilipinas, noong 2022 po, may 8,948 na kabataan ang naitalang naabuso,” pahayag ni Tapales.

Sinabi rin ni Tapa­les na sa Makabata Helpline mayroong naitala na 43 ng kaso ng pang-aabuso na karamihan ay kinasasangkutan ng edad 15-17.

Ang kahulugan ng Makabata ay “mahalin at kalingain ating mga bata.”

Sinabi rin ni Tapales na ang mga insidente ng pang-aabuso sa bata ay nangyari sa magkakaibang mga lugar tulad ng tahanan, paaralan, at komunidad.

Kabilang sa mga natatanggap na tawag sa  helpline ng CWC ay may kinalaman sa sekswal na pang-aabuso, pananakot, at mental health.

Nagbibigay din ang ahensya ng referral para sa mga biktima na nangangailangan ng mga partikular na serbisyo.

Ang Makabata Help­line ay maaaring tawagan sa telephone number 1383, mobile numbers 09158022375 (Globe) at 09603779863 (Smart), email sa [email protected], at Facebook page sa Makabata Helpline.

Kaugnay ng isyu sa child abuse, sinabi ni Tapales na isinusulong din ng CWC ang batas na magbibigay ng suporta sa kalusugan at psychosocial sa mga bata.

CWC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with