^

Bansa

Bibingka ika-16 sa 'pinakamasarap na cake sa mundo' ngayong 2023

Philstar.com
Bibingka ika-16 sa 'pinakamasarap na cake sa mundo' ngayong 2023
Vendors prepare bibingka for the customers at a stall in Tondo, Manila, November 2018. This rice cake is a staple Filipino Christmas food that is served with grated coconut, melted butter and sugar on top.
The STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Hindi lang sa panlasang Pinoy swak ang bibingka, bagay na napatunayan uli sa pagkakapasok nito sa "50 Best Rated Cakes in the World" ng TasteAtlas para sa taong 2023.

Lumanding kasi sa ika-16 pwesto sa naturang listahang inilabas noong nakaraang linggo ang ating local pastry, na siyang madalas ipares sa mainit na kape o tsokolate, panahon man ng Kapaskuhan o hindi.

"Bibingka is believed to have appeared under the foreign culinary influence, and the first written reference describing a similar cake dates back to 1751," sabi ng TasteAtlas, na siyang nagbigay dito ng 4.4 out of 5. 

"Through history, bibingka was adapted with additional ingredients, and nowadays it is typically prepared with milk, eggs, coconut milk, sugar, and butter, while modern variations may include anything from grated cheese, salted duck eggs or grated coconut, and a variety of different sweet and savory toppings."

Karaniwang inihahanda ito gamit ang mga palayok at dahon ng saging, na siyang nagbibigay dito sa kilala nitong "smoky" flavor.

Bahagya itong pagbaba kumpara sa pwesto nito sa parehong website noong 2022, kung kailan nasungkit ng bibingka ang pagkilala bilang ika-13 pinakamasarap na cake sa buong mundo.

Ang TasteAtlas, ayon sa kanilang website, ay nagsisilbing "encyclopedia" ng iba't ibang lasa at tradisyunal na putahe sa iba't ibang panig ng daigdig, bagay na nakapag-catalogue na sa 10,000 pagkain at inumin. — James Relativo

BIBINGKA

CAKES

PASTRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with