^

Bansa

Teenage pregnancy, bumaba ng 5.4%

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Teenage pregnancy, bumaba ng 5.4%
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 13.3 percent ang nagbuntis na edad 19, 5.9 percent ang 18-anyos, 5.6% nasa 17 years old at 1.7% ang 16 taong gulang habang 1.4% ang 15 years old.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Bumaba ang ­teenage pregnancy ng mga kabataang Pinay na edad 15-19 sa 5.4 percent noong 2022 mula sa 8.6 percent noong 2017.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 13.3 percent ang nagbuntis na edad 19, 5.9 percent ang 18-anyos, 5.6% nasa 17 years old at 1.7% ang 16 taong gulang habang 1.4% ang 15 years old.

May 0.4% naman ng mga teenage pregnant ang nakunan.

Samantala umaabot  sa 6.1% ng teenage pregnancy ay mula sa rural ­areas at 4.8% sa urban areas.Naitala sa Northern Min­danao ang pinakamataas na bilang na 10.9%, sinundan ng Davao Region, 8.2%; Central Luzon, 8% at Caraga, 7.7%.

Ang Ilocos Region at Bicol Region ay kapwa nakapagtala ng mababa na 2.4%.

Mayorya ng Pinay teenager na nabuntis ay mula sa mahihirap o 10.3% habang 1.8% mula sa mayayaman.

Sa usapin ng educa­tional attainment, mas ma­rami ang teenage pregnancy sa mga nakapagtapos ng grade 1-6 (19.1%), grade 7-9 (5.3%), grade 11-12 (4.8%) at college level (1.9%).

Ayon sa PSA, ang tala ay mula sa 27,821 kababaihan na kanilang nakausap na edad 15-19 noong 2022.

 

TEENAGE PREGNANCY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with