^

Bansa

Nawasak ni 'Paeng' sa agrikultura lumobo bigla sa P4.27 bilyong halaga

James Relativo - Philstar.com
Nawasak ni 'Paeng' sa agrikultura lumobo bigla sa P4.27 bilyong halaga
This handout photo taken and released on October 31, 2022 by the Philippine Coast Guard shows rescue workers using makeshift poles as they conduct search operations in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao province, after Tropical Storm Nalgae hit the region. The death toll from a storm that battered the Philippines has jumped to 98, the national disaster agency said October 31, with little hope of finding survivors in the worst-hit areas.
Handout / Philippines Coast Guard (PCG) / AFP

MANILA, Philippines — Sumampa na sa P4.27 bilyong halaga ang napinsala ng nagdaang Severe Tropical Storm Paeng sa sektor ng agrikultura — bagay na dambuhalang patalon mula sa datos kahapon na nasa P2.98 bilyon lang.

Ito ang ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa kanilang ulat, Miyerkules, habang wala pa ring tigil ang pagpasok ng damages na idinulot ng bagyo sa Pilipinas siyam na araw matapos nitong lumabas sa Philippine Area of Responsibility.

Dahil dito, aabot na sa 109,489 magsasaka at mangingisda ang nasalanta ng nagdaang bagyo. Ang mga nabanggit ay siyang trumatrabaho sa mahigit 121,287 ektarya.

Bukod pa riyan, papalo na sa P4.66 bilyon ang pinsalang naitatala sa imprastruktura ng sama ng panahon. Sa taya ng gobyerno, 820 na ang damaged infrastructures sa bansa.

Labas pa rito sa 53,229 na kabahayang bahagyang napinsala at nawasak nang husto.

Halos 5.3 milyon nasalanta

"A total of 1,315,083 families or 5,299,716 persons were affected," wika pa ng konseho sa kanilang ulat.

"Of which, 10,283 families or 46,255 persons were served inside 214 [evacuation centers] and 215,629 families or 1,071,233 persons were served outside ECs."

Naitala ang mga nasalanta sa lahat ng 17 rehiyon sa buong Pilipinas.

Kabilang sa mga nabanggit ang sumusunod:

  • patay: 159
  • sugatan: 147
  • nawawala: 30

Una nang naiulat na maraming namatay buhat ng mga baha, landslides, atbp. nangyari kaugnay ng bagyo.

Aabot naman na sa 522 lungsod at munisipalidad ang nasa ilalim ng state of calamity sa ngayon, kung saan nagpapatupad ng mga automatic price control sa mga pangunahing bilihin.

Nakapamigay naman na ng nasa P223.68 bilyong ayuda sa ngayon sa porma ng family food packs, sleeping kits, hygiene kits, at tulong pinansyal upang makaagapay ang mga survivors.

Martes lang nang pangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. distribusyon ng relief aid para sa mga naapektuhan ng bagyo sa probinsya ng Antique upang matiyak ang mabilis nilang recovery.

"Asahan po ninyo na lagi po kaming nandiyan kahit hindi niyo kami nakikita. Kapag ganitong may bagyo at may biktima, alam po namin ang pangyayari at ginagawa po namin ang lahat," sabi niya Martes.

"Tinignan namin kung ano 'yung mga nasira, 'yung mga tulay. At gagawin namin ang lahat para maibalik, magamit man lang para naman maituloy ang pag-deliver, matuloy ang hanapbuhay at makabalik na naman tayo sa normal bago tayo magka-ganito."

AGRICULTURE

BONGBONG MARCOS

CASUALTY

DAMAGES

INFRASTRUCTURE

NDRRMC

PAENG

SEVERE TROPICAL STORM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with