^

Bansa

Pagbuwag sa PITC isinusulong sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinamamadali ni 4th District Quezon Rep. Keith Micah “Atty. Mike “ D.L. Tan ang pagbuwag sa Philippine International Trading Corporation (PITC).

Una rito, lumitaw sa pagsusuri ng Governance Commission for GOCC’s (GCG) ang posibleng pagpapasara sa Philippine Pharma Procurement Inc. (PPPI), dating PITC Pharma Inc., na isang sangay ng PITC.

Kamakailan lang ay napaulat na ang PPPI ay sumasailallim sa ebalwasyon para aktuwal na pagbuwag dito, ayon kay GCG Director Johann Carlos Barcena  bunga na rin ng matagal na pagkalugi ng korporasyon.

Ayon kay Tan, ang patu­loy na pagkalugi ng PPPI, ang kaisa-isang pharmaceutical GOCC na may mandatong maglaan ng mura nguni’t de-kalidad na mga gamot sa publiko ay sumasalamin sa kawalang silbi ng PITC na gampanan ang mga tungkulin nito.

Base sa independent auditor’s report ng Commission on Audit (COA) sa financial statements ng PITC para sa mga natapos na taon ng Disyembre 31, 2021 at 2020, napag-alamang ang PITC ay walang kakayahang kumita ng malaki mula sa mandato nito sa pandaigdigang kalakalan.

Ayon sa COA, umaabot sa P11.022 bilyon ang balanse ng fund transfers mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para sa pagbili ng mga proyekto ang hindi nagamit ng PITC.

Sinasabing nakatipid din sana ang pamahalaan ng halagang P2.166 milyon kung kinonsidera ng PITC ang pinakamababang presyo sa pagbili ng bawat bagong Perso­nal Protective Equipment (PPEs) imbes na ibigay ang award sa isang bidder na magsusuplay ng lahat ng PPEs sa halagang P186.584 milyon.

Isinusulong ng batang kongresista ang pagbubuwag sa PITC sa ilalim ng House Bill 4681 kung saan kanyang ipinanukala na ang mga kagawaran at ahensya ng pamahalaan na ang bibili ng kanilang mga sariling supplies at equipment.

 

PITC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with