^

Bansa

Bagyong 'Neneng' lalakas pa, magiging tropical storm sa Sabado — PAGASA

James Relativo - Philstar.com
Bagyong 'Neneng' lalakas pa, magiging tropical storm sa Sabado — PAGASA
Namataan kaninang 4 a.m., Biyernes, ang sentro ng bagyo 1,015 kilometro silangan ng Dulong Hilagang Luzon, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA.
RAMMB

MANILA, Philippines — Napanatili ng Tropical Depression Neneng ang lakas nito, Biyernes, habang kumikilos pakanluran hilagangkanluran — ito habang posibleng magtaas ng Signal no. 1 sa silangang bahagi ng Hilagang Luzon ngayong umaga o hapon.

Namataan kaninang 4 a.m. ang sentro ng bagyo 1,0915 kilometro silangan ng Dulong Hilagang Luzon, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA.

  • Lakas ng hangin: 55 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 70 kilometro kada oras 
  • Pagkilos: 10 kilometro kada oras 
  • Direksyon: pakanluran hilagangkanluran

"The passage of NENENG may bring heavy rains over Northern Luzon beginning tomorrow," paliwanag ng state meteorologists kanina.

"Under these conditions, flooding is possible (including flash floods) and rain-induced landslides are possible especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps."

Maaaring magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 ngayong umaga o hapon sa silangang bahagi ng Northern Luzon bilang paghahanda sa hindi bababa sa near gale strength na mga hangin.

Kaugnay nito, malaki ang posibilidad na umabot hanggang Signal no. 2 ang itaas sa ilang lugar.

Gayunpaman, wala pang TCWS na umiiral sa loob ng bansa sa ngayon.

"NENENG is forecast to further intensify while moving over the Philippine Sea and may reach tropical storm category by Saturday," dagdag pa ng PAGASA.

"The possibility of further intensification prior to its close approach to Extreme Northern Luzon is not ruled out."

Ito na ang ika-14 bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility at ikalawa na ngayong Oktubre.

Isa pang bagyong inoobserbahan

Samantala, isa pang tropical depression ang binabantayan ng PAGASA sa layong 405 kilometro hilaga hilagangkanluran ng Palawan sa labas ng PAR. 

  • Lakas ng hangin: 55 kilometro kada orasm malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 70 kilometro kada oras
  • Pagkilos: 25 kilometro kada oras
  • Direksyon: pakanluran hilagangkanluran

"'Yung kaulapan na dala naman nito... ang nakakaapekto sa bahagi naman ng Palawan," dagdag ni Daniel James Villamil sa hiwalay na ulat.

"Cloudy skies ang asahan natin ngayong umaga na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat throughout the day."

Sa Metro Manila at ilang bahagi ng CALABARZON, maaasahan ngayong umaga pa lang ang ilang thunderstorm activity. Gayunpaman, panandalian lang ito at magkaklaro rin ang mga kaulapan pagsapit ng tanghali. 

Pero mamayang hapon o gabi ay maaasahan ang posibilidad ng thunderstorms na magdadala uli ng panandaliang pag-ulan.

NENENG

PAGASA

TROPICAL DEPRESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with