1,944 kawani ng gobyerno, nakinabang sa libreng sakay ng MRT-3

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Transportation (DOTr)-Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na uma­bot sa 1,944 kawani ng gobyerno ang nakinabang sa handog nilang Libreng Sakay kamakalawa.

Matatandang nagkaloob ng libreng sakay ang tatlong rail lines sa Metro Manila, kabilang ang MRT-3, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Ayon sa DOTr-MRT3, nasa 661 kawani ng gob­yerno ang nabigyan ng Libreng­Sakay mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga.

Pagdating naman ng hapon alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi, umabot sa 1,283 kawani ng gob­yerno ang dumagsa at nakinabang sa handog ng MRT-3.

Kasabay ng pagdiriwang­ ng anibersaryo ng Philippine Civil Service, binati rin ni MRT-3 General Manager (GM) Engr. Federico Cana­r, Jr. ang mga kawani ng gob­yerno sa kanilang kada­kilaan bilang taga-bigay ng serbisyo para sa bayan.

“Nawa ay napadama namin ang pagpapahalaga sa inyo ng Libreng Sakay ng MRT-3, at asahan ninyong patuloy pang paiigtingin ng linya ang pagbibigay ng ligtas at komportableng serbisyo para sa lahat ng pasahero,” ani GM Canar.

Bukod sa MRT-3, nagbigay rin ng libreng sakay sa mga government emplo­yees nitong Lunes ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR).

Show comments