MANILA, Philippines — Kapansin-pansing dumami ang bilang ng kaso ng nakamamatay na leptospirosis sa Pilipinas ngayon kumpara sa parehong panahon noong 2021 — ito ngayong sunud-sunod ang pag-ulan at mga bagyong pumasok sa bansa.
Ito ang ibinahagi ng Department of Health (DOH) sa kanilang National Leptospirosis Data, Lunes, bagay na sumasaklaw sa datos mula ika-1 ng Enero hanggang ika-20 ng Agosto ngayong taon.
Related Stories
"There were 1,467 leptospirosis cases reported from January 1 to August 20, 2022," sabi ng DOH kanina.
"Cumulatively, cases this year is 15% higher compared to the reported cases during the same period in 2021 (1,278)."
Karaniwang nahahawa nito ang isang tao sa pagpasok ng leptospira bacteria sa mga mga sugat sa tuwing nabababad ito sa tubig baha, taniman, o basang lupa na kontaminado ng ihi ng infected na hayop lalo na ng mga daga.
Karamihan sa leptospirosis cases ay naiulat mula sa:
- National Capital Region: 279 (19%)
- Cagayan Valley: 174 (12%)
- Western Visayas: 174 (12%)
Umabot naman sa 106 cases ang naitala mula ika-24 ng Hulyo hanggang ika-20 ng Agosto. Halos kapareho itong may pinakamatataas na kaso maliban sa Region VI:
- Metro Manila: 36 (34%)
- Cagayan Valley: 12 (11%)
- Davao Region: 10 (9%)
"Regions V, VII, VIII, and XI breached the alert and epidemic threshold within the past four morbidity weeks (July 24 to August 20, 2022). However, no clustering was noted nationwide," dagdag pa ng Kagawaran ng Kalusugan.
"Nationally, there were 205 deaths reported (Case Fatality Rate=14.0%)."
Kadalasang may incubation period na pito hanggang 10 araw ang sakit.
Ilan sa mga sintomas nito ay:
- lagnat
- pananakit ng katawan, sakit ng ulo
- pamumula ng mata
- kidney failure o brain involvement
- paninilaw ng katawan
- dark-colored na ihi at light stools
- kaonting ihi at matinding sakit ng ulo
"If left untreated, leptospirosis may cause kidney failure, brain damage, massive internal bleeding, and death," ayon sa hiwalay na pahayag ng DOH.