MANILA, Philippines — Kinumpirma na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na io-observe pa rin bilang special non-working holiday ang anibersaryo ng EDSA People Power sa 2023 — bagay na iniwasan ng kanyang dating spokesperson nang magisa ng reporters nitong Mayo.
Ngayong Martes lang kasi nang ibalitang nilagdaan ni Marcos Jr. ang Proclamation 42, na siyang naglalaman din ng parehong holiday.
Related Stories
Kilalang napatalsik mula sa pwesto ang diktador na si Ferdinand Marcos Sr. — tatay ni Bongbong — sa pamamagitan ng naturang pag-aalsa.
Matatandaang hindi sinagot ng dating tagapagsalita ni Bongbong na si Vic Rodriguez, na ngayo'y executive secretary na, nang matanong kung ipagdiriwang pa rin ang EDSA commemoration sa susunod na taon.
Maliban sa People Power commemoration sa ika-25 ng Pebrero, kasama rin sa mga holidays na ipagdiriwang ng bansa sa 2023 ang mga sumusunod:
Regular Holidays
- New Year's Day (January 1)
- Araw ng Kagitingan (April 9)
- Maundy Thursday (April 6)
- Good Friday (April 7)
- Labor Day (May 1)
- Independence Day (June 12)
- National Heroes Day (August 28)
- Bonifacio Day (November 30)
- Christmas Day (December 25)
- Rizal Day (December 30)
Special (non-working) Days
- Black Saturday (April 8)
- Ninoy Aquino Day (August 21)
- All Saints' Day (November 1)
- Feastr of the Immaculate Conception of Mary (December 8)
- huling araw ng taon (December 31)
- additional special non-working day (November 2)
Kapansin-pansing kasama pa rin sa susunod na taon ang Ninoy Aquino Day, na siyang ipinangalan kay dating Sen. Benigno "Ninoy" Aquino Jr., na kilalang kritiko ng diktaduryang Marcos Sr. Siya'y ina-assasinate noong 1983.
Matatandaang inisnab ng Palasyo ang Ninoy Aquino Day ngayong 2022 at hindi man lang naglabas ng mensahe, bagay na karaniwang ginagawa ng presidente ng bansa tuwing may holiday. — may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero