^

Bansa

100% face-to-face classes? NCR public transpo 'hindi pa handa' — grupo

James Relativo - Philstar.com
100% face-to-face classes? NCR public transpo 'hindi pa handa' — grupo
Commuters queue for the free ride at the MRT-3 North Avenue Station in Quezon City on Monday morning, March 28, 2022.
The STAR / Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Nagbabala ang isang transport advocacy network pagdating sa sitwasyon ng pampublikong transportasyon, bagay na hindi raw sapat para serbisyuhan ang Metro Manila oras na bumalik nang buo ang face-to-face classes.

Una na kasing sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos na plano ng Department of Education sa ilalim ni Bise Presidente Sara Duterte na dahan-dahanin ang face-to-face classes simula Setyembre hanggang sa maging 100% na pagsapit ng Nobyembre.

"While we understand that many sectors are already calling for a return to face-to-face classes, we are just saying that the government should be wary of the additional demand to our already heavily-burdened public transport system," wika ni Primo Morillo, convener ng The Passenger Forum, Linggo.

"This problem needs to be addressed for us to successfully phase back into normal classroom-based education."

Bagama't may ilang mga eskwelahan nang nagpapatupad ng harapang mga klase habang mababa-baba ang COVID-19 cases kumpara nitong mga nagdaang taon, hindi pa rin ito buong-buo ipinatutupad ng mga paaralan bilang pag-iingat.

Nagpapatupad ngayon ng libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) sa EDSA Carousel, MRT-3, LRT-2 at Philippine National Railways para sa mga estudyante. Dating libre para sa lahat ang MRT-3 ngunit tinapos na ito.

Una nang sinabi ng TPF na welcome development ang libreng sakay para sa mahihirap na pamilya, pero maliit daw ang nagagawa nito upang masolusyunan ang komplikadong problema ng National Capital Region pagdating sa transportasyon.

Ani Morillo, pwedeng gamitin ang pondo ng gobyerno upang maaayos ang pampublikong transportasyon sa pagpapaiksi ng biyahe at paghihintay sa mga sakayan. Dapat din daw mapadali ang pagkokomyut.

Matatandaang tinanggal nitong pandemya ang mga bus na tumatawid sa kahabaan ng EDSA, habang nagtapos na rin ang daan-daang ruta ng libreng sakay ng mga pampublikong jeep ngayong Hunyo.

'Kulang-kulang 2 buwan para ayusin problema'

Dahil halos kalagitnaan na ng Hulyo, lagpas isa't kalahating buwan na lang ang nalalabi para maayos ng gobyerno ang mga problema sa transportasyon bago dahan-dahanin ang pagpapatupad ng malawakang F2F classes, bagay na inaasahang magpapasikip ng mga lansangan at magpaparami ng mga pasahero.

"One of the reasons why students and teachers want a shift to F2F is due to the stress they get from online classes. Their stress will just shift from in front of their laptops to our sidewalks and PUVs if we ignore the connection between the transport crisis and our target to return to F2F," dagdag pa ni Morillo.

"Worse, physical fatigue will add to the mental exhaustion of our students and teachers."

Mayo lang nang sabihin ng Metro Manila Development Authority na posibleng lumagpas sa pre-pandemic levels ang sikip ng daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila sa pagsisimula ng 100% F2F classes, bagay na dating tinarget noong Hunyo.

Taong 2021 pa nang igiit ng TPF sa gobyerno ang pagpayag sa mas maraming public utility vehicles sa mga ruta. Maliban pa riyan ang pagpayag sa carpooling, company shuttles at pag-maksimisa sa Pasig River para sa pampublikong tranportasyon para ma-meet ang mataas na demand.

COMMUTERS

NOVEL CORONAVIRUS

PUBLIC TRANSPORTATION

SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with