Bagyong 'Domeng' namuo, lalakas at magiging tropical storm bukas — PAGASA

Bandang 4 p.m. nang matagpuan ang mata ng sama ng panahon 930 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon, ayon sa PAGASA, Huwebes.
RAMMB

MANILA, Philippines — Isang bagong bagyo ang naobserbahan sa loob ng Philippine area of responsibility, bagay na nakikitang magpapalakas sa Hanging Habagat na magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon.

Bandang 4 p.m. nang matagpuan ang mata ng sama ng panahon 930 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon, ayon sa PAGASA, Huwebes.

"'DOMENG' developed into a tropical depression at 2:00 PM today. It is forecast to reach tropical storm category in the next 24 hours. A peak intensity of around 85 km/h may be reached by Saturday," ayon sa state weather bureau.

  • Lakas ng hangin: 45 kilometro/oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: 55 kilometro/oras
  • Direksyon: hilagangkanluran
  • Bilis: 15 kilometro/oras

Wala pa namang tropical cyclone wind signal na nakataas ngayon sa loob ng PAR buhat ng bagyo.

Ang moonsoon trough at Southwest Monsoon na pinalalakas ng Tropical Depression Domeng at Tropical Storm Chaba (dating "Caloy" ay sinasabing magpapaulan sa ilang bahagi ng kanlurang Central at Southern Luzon sa susunod na 24 oras.

"On the forecast track, 'DOMENG' may exit the Philippine Area of Responsibility on Saturday (2 July) morning or afternoon," patuloy pa ng state meteorologists.

"Outside the PAR region, the tropical cyclone is forecast to pass very close or make landfall in the vicinity of the Ryukyu Islands on Saturday evening or Sunday (3 July) morning." — James Relativo

Show comments