Bagyong Caloy magpapaulan sa bansa

Taglay ni Caloy ang hangin na umaabot sa 45 km bawat oras malapit sa gitna at may pabugso ng hangin na umaabot sa 55 kph.
PAGASA

MANILA, Philippines — Magpapaulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang bagyong Caloy na huling namataan ng PAGASA alas-4 ng umaga sa layong 395 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.

Taglay ni Caloy ang hangin na umaabot sa 45 km bawat oras malapit sa gitna at may pabugso ng hangin na umaabot sa 55 kph.

Si Caloy ay mabagal ang pagkilos papuntang West Phl Sea palayo sa ating bansa pero pinalalakas nito ang habagat na magdudulot ng mga pag-uulan.

Sa ngayon ay patuloy ang mabagal na pagkilos ni Caloy palabas ng Philippine area of responsibility.

Show comments