^

Bansa

Pagbuhay sa Oil Price Stabilization Fund, malaking tulong sa transport sector

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagbuhay sa Oil Price Stabilization Fund, malaking tulong sa transport sector
Members of various groups assemble to protest against the looming oil price hike at a gas station in Quezon City on June 7, 2022.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Naglatag ng iba’t ibang hakbangin si 1-UTAK Chairman Atty. Vigor Mendoza II upang makaagapay ang publiko sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Una sa talaan ni Mendoza, dating miyembro ng Independent Oil Price Review Committee, ang pagbuhay sa Oil Price Stabilization Fund (OPSF) na una na ring binanggit ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa kanyang town hall discussion sa Marikina City.

Layon ng programa na magkaroon ng pondo na hindi lamang magagamit sa pagbibigay ng ayuda kundi maging sa mo­dernisasyon ng transport sector at suporta sa mga hakbangin upang makalipat ang bansa sa paggamit ng alternative fuel.

Ang pagkakaroon ng OPSF, ayon kay Mendoza ay maihahalintulad din sa two-tier fuel pricing na mas mababa ang presyo para sa public transportation.

Isinusulong din ni Mendoza ang pagkakaroon ng strategically-located fuel storage facilities o ang mas episyenteng fuel delivery system, tulad ng pipeline.

Ikatlo, ay ang pagbuhay sa konsepto ng Metro Manila Transport Corporation noong Marcos Admi­nistration na ipinatupad din ni dating LTFRB Chairman Tom Lantion na ang gobyerno ang bibili ng public utility vehicles at papaupahan sa mga kwalipikadong transport groups.

OIL PRICE STABILIZATION FUND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with