Superhero Mom ng Tahanan
MANILA, Philippines — Ngayong Mother’s Day ay araw ng pasasalamat at pagpaparangal sa ating mga dakilang nanay ng ating buhay. Wala ngang katumbas na salita kung paano maipapahayag ang kanilang hindi maubos na lakas at pagmamahal na nagsisilbing hero ng bawat ilaw ng tahanan.
Muling nasubok ang power ng mga nanay nang magsimula ang COVID-19 noong kasagsagan ng lockdown. Kung paano ang lahat ay napilitan mag-quarantine sa loob ng tahanan na walang ibang inaasahang kikilos bukod sa busy rin si tatay; sino pa ba kundi ang mga dakilang ina.
Kahit work from home rin si nanay na isinasabay rin niya ang homeschooling ng mga bata na nagsisilbing teacher at tutor sa online class ng mga bagets. Nandiyan din ang hindi maubos na gawaing bahay ni nanay, at pag-aaruga para sa buong pamilya, at siyempre special treatment na away at bati nila ni tatay.
‘Yung ibang mga mother dear ay kailangang sumabak at pumasok sa trabaho kahit may banta nang naglipanang corona virus lalo na sa labas ng bahay. Mayroon din ng mga abang nanay na ilang kilometro ang layo ang nilalakad para lang makarating sa kanilang mga opisina nung bawal pa ang pasada ng mga publikong sasakyan.
Hays, mabuti na nga at alert level 1 na ngayon. Ngunit, hindi rin nagpapabaya si nanay na protektahan ang buong pamilya kaya kahit pagod at galing sa trabaho ay walang sawang laba rito, linis doon, at ibang kaliwa’t kanang trabaho sa loob ng bahay.Plus iba pang commitment ni mother dear.
Dahil kailan man ay hindi magpapatinag ang ating mga dakilang “hero” na mga nanay na pinipilit balansehin ang buhay ng bawat pamilya.
Imbes na sumuko ang mga nanay ay ginamit pa ang pandemic na pagkakataon upang mag-invest ng oras at panahon na turuan ang mga anak sa kanilang homeschooling. Ang iba ay naglakas ng loob na magnegosyo at mag-online selling ng kung anu-ano upang mairaos lang ang pangangailangan ng mga bata at pamilya.
Sinong may sabing naging madali? Hindi ‘di ba? Ngunit sadyang wala sa bokabularyo ng mga nanay ang sumuko sa anomang hamon o laban sa buhay.
Ang mahalaga, ngayong medyo na nakaluluwag at nakalalabas na uli ng bahay miyembro ng tahanan ay hindi sumusuko ang mga super mommies upang maitawid na patuloy na mapangalagaan ang mga kalusugan ng mga anak, mister, at nang buong pamilya habang ‘di pa natatapos ang hamon laban sa pandemia.
- Latest