^

Bansa

Comelec naglinaw: Paglalabas ng surveys 15 araw bago eleksyon 'ligal'

James Relativo - Philstar.com
Comelec naglinaw: Paglalabas ng surveys 15 araw bago eleksyon 'ligal'
In this photo taken on April 23, 2022, supporters of Vice President and opposition presidential candidate Leni Robredo hold up lit mobile phones during a campaign rally coinciding with her birthday in Pasay City.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Ipinaalala ng Commission on Elections (Comelec) na walang paglabag mula sa anumang survey firms kahit na ilang araw na lang ay eleksyon na.

Ito ang ipinaliwanag ni Comelec spokesperson James Jimenez, Martes, matapos matanong tungkol sa Section 5.4 ng Fair Elections Act (Republic Act 9006) na nagbabawal dito.

5.4. Surveys affecting national candidates shall not be published fifteen (15) days before an election and surveys affecting local candidates shall not be published seven (7) days before an election.

"No. The provision being cited — Sec. 5.4 of RA 9006 — was struck down by the Supreme Court for being unconstitutional," sagot ni Jimenez sa katanugan ng isang netizen kaninang umaga.

Ika-2 lang ng Mayo nang ilabas ng Pulse Asia ang huling pre-election survey nito kung saan ipinakitang lyamado si presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. — ito'y kahit pitong araw na lang ay araw na ng eleksyon.

Matatandaang naipanalo ng Social Weather Stations (SWS) ang kaso nito laban sa Comelec, matapos katigan ng Korte Suprema ang nauna. Aniya, unconstitutional at paglabag sa karapatan sa pamamahayag ang Section 5.4 ng RA 9006.

Matagal nang kinekwestyon ng ilan ang mga pre-election surveys dahil sa mga alegasyong "mind conditioning" ito ng opinyong publiko. 

Kwestyon sa kredibilidad ng surveys

Binabanatan ngayon ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) at Amihan National Federation of Peasant Women ang kalalabas lang na survey ng Pulse Asia, lalo na't ilang statisticians na at akademiko ang kumekwestyon sa ginamit methodology at panukat ng grupo.

"Sa resulta ng Pulse Asia, sabi nito ay may resulta sa class ABC, samantalang wala naman silang respondents na class AB," ani Zen Soriano, tagapagsalita ng Amihan.

"At sino itong class E na 57% o mahigit na 300 na pumapabor kay Marcos Jr.? Samantalang mga magsasaka pa lang na nagpoprotesta laban sa kanya sa buong bansa dahil sa pahamak na programa ng kanyang ama na Masagana 99, ay libu-libo na. Kaya hindi kami naniniwalang wastong larawan ito ng botante sa bansa, wala itong pinagkaiba sa fake news."

Linggo lang nang sabihin ni Romulo Virola, dating secretary general of the National Statistical Coordination Board, na may underrepresentation sa mga nakaabot ng kolehiyo sa mga na-survey ng Pulse Asia noong Marso, habang may "overrepresentation" naman daw ng mga hindi nakatungtong ng kolehiyo.

Underrepresented din daw ang age group na 18-41 habang labis-labis naman daw sa 58-anyos pataas. Meron din aniyang underrepresentation ng mga galing sa ABC socio-economic classes at overpresentation ng mga nasa class DE. Posible raw aniya na manguna si Bise Presidente Leni Robredo sa presidential surveys kung mabago ng Pulse Asia ang kanilang "flaws."

 

 

Ilang akademiko na rin gaya ng UP Political Science Professor Aries Arugay ang nagsalita laban sa pamamaraan ng Pulse Asia, bagay na sinasang-ayunan na raw ng ilang social scientists.

Dumepensa naman si Pulse Asia president Ronald Holmes sa mga kritisismong natanggap sa panayam ng CNN Philippines kanina, habang naninindigang "nationally representative" ng mga botante ang kanilang pag-aaral.

2022 NATIONAL ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

PULSE ASIA

SOCIAL WEATHER STATIONS

SURVEYS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with