^

Bansa

Pagbawi sa testimonya ni Espinosa walang epekto sa 2 drug cases ni De Lima — DOJ

James Relativo - Philstar.com
Pagbawi sa testimonya ni Espinosa walang epekto sa 2 drug cases ni De Lima — DOJ
Sen. Leila De Lima leaves the New Bilibid Prison court in Muntinlupa City on the afternoon March 6, 2018.
Office of Secretary Leila de Lima / Released, file

MANILA, Philippines — Hindi magagamit sa korte ang pagbawi ng mga pahayag ng confessed drug lord na si Kerwin Espinosa sa nalalabing dalawang drug cases ni Sen. Leila de Lima, paglilinaw ng Department of Justice (DOJ).

Ito ang inilinaw ng Kagawaran ng Katarungan, Biyernes, matapos sabihin ni Espinosa na walang katotohanan ang mga pahayag niya para idiin si De Lima sa kalakalan ng narcotics sa Senate hearings at sworn written affidavits. Aniya, ginawa lang niya ito noon matapos pagbantaan ng mga pulis.

"Mr. Roland 'Kerwin' Espinosa's retraction with regard to his statements about his alleged transactions with Senator Leila De Lima will not, in any way, affect the pending drug cases which the latter is facing before two (2) branches of the Regional Trial Court of Muntinlupa City,"

"The previous statements/affidavits of Mr. Espinosa which he now recanted were never utilized and will not be used by the Prosecution as evidence in the two (2) pending drug cases against accused Senator Leila M. De Lima."

Narito ang mga nalalabing kaso ni De Lima sa dalawang brances ng Muntinlupa RTC:

  • Criminal Case No. 17-165
  • Criminal Case No. 17-167

 

 

Sa parehong mga kaso — kung saan isinasangkot si De Lima kasama ang iba't ibang personalidad — sinasabi ng DOJ na "hindi material" ang mga binawing pahayag/affidavit ni Espinosa. Bukod pa riyan, hindi rin daw siya nakalista bilang saksi (witness) ng prosekusyon sa pre-trial order ng korte. 

Idiniin pa ng DOJ na ika-28 ng Abril 2022 lang nang gawin ni Kerwin ang affidavit, bagay na limang taon na matapos ang kanyang testimonya sa Senado noong 2017. Inilabas naman ang iba pa niyang affidavits noong 2017.

"This glaring delay on the part of respondent Espinosa in recanting his previous statements poses a question on his truthfulness and motive," dagdag pa ng DOJ.

Taong 2021 lang nang iabswelto ng korte si De Lima sa isa sa tatlo niyang drug cases, bagay na nagpipiit sa kanya simula pa noong 2017.

Kasalukuyang kumakandidatong uli sa pagkasenador si De Lima para sa eleksyong 2022 para sa parehong pwesto habang iginigiit na inosente sa mga paratang. Bukod pa rito, sinasabi ng kanilang kampo na siya'y "political prisoner" lamang bilang isa sa mga matitinding kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

'Pwedeng i-charge mga pulis na nagbanta kay Espinosa'

Matapos bawiin ni Espinosa ang kanyang mga salaysay, nananawagan ngayon ang iba't ibang grupo gaya ng Amnesty International, senatorial candidate Neri Colmenares atbp. na agad mapalaya si De Lima.

"With self-confessed drug trader Kerwin Espinosa recanting his allegations against Senator Leila de Lima and his filing of an affidavit stating that he was coerced and threatened by the police to implicate the senator on drug deals, charges can now be filed against these policemen," wika ni Colmenares sa isang pahayag.

"This is further proof of the propensity of the police to plant evidence and manufacture false testimony. This is a staple underhanded tactic used against critics of the Duterte administration to imprison and silence them."

Nananawagan din si Colmenares, na kasalukuyang chairperson din ng Bayan Muna party-list, sa mga pulis na sumuko ang mga pulis na nagtatanim ng ebidensya sa mga aktibista't mga miyembro ng oposisyon para maiwasang magbigay din ng pekeng testimonya.

Bukod pa rito, dapat agad mapalaya si De Lima at mapanagot ang iba pang may sala para lamang mapatahimik ang senadora.

Hinihingian pa ng Philstar.com ang Philippine National Police tungkol sa counter-affidavit ni Espinosa ngunit wala pa ring sagot hanggang sa ngayon. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

AMNESTY INTERNATIONAL

KERWIN ESPINOSA

LEILA DE LIMA

NERI COLMENARES

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with