^

Bansa

‘Higher’ overseas voter turnout, inaasahan ng Comelec

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Higher’ overseas voter turnout, inaasahan ng Comelec
A Commission on Elections officer with local representatives conducts testing of a vote-counting machine in Bayombong, Nueva Vizcaya on Tuesday, April 12, 2022 in preparation for the May 9 elections.
The STAR/Victor Martin

MANILA, Philippines — Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) ang mas mala­king bilang ng boto mula sa overseas absentee voting (OAV) ngayong halalan dahil sa nakita nilang mas mataas na interes ng mga Filipino na nasa ibang bansa na makilahok sa eleksyon.

Sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na dahil sa mataas na interes lalo na sa mga unang araw ng pagbubukas ng OAV, nakikita na mas malaki ang resulta nito kumpara sa eleksyon noong 2016 at 2019.

Sa datos ng komisyon, nasa 1.7 milyong Filipino na nakabase o nagtatrabaho sa ibang bansa ang nakarehistro.

Sa naturang bilang, 30% lamang ang target ng Comelec na aktuwal na bumoto. Ngunit hindi pa nagtatapos ang halalan, naabot na umano nila ang naturang target mula nang mag-umpisa ang OAV nitong Abril 10.

Noong 2016, higit sa 430,000 overseas Filipino o 31.25% ng 1.37 mil­yong nakarehistro ang bumoto. Noong 2019, nasa 334,000 o 27.3% ng 1.82 nakarehistrong botante ang aktuwal na bumoto.

Tinukoy ni Casquejo ang tagumpay ngayon sa OAV sa isinagawang pagbabago ng komisyon tulad ng pagpapatupad ng “vote anywhere” scheme at “field voting”.

Sa “field voting”, nagtutungo mismo ang mga tauhan ng embahada at special board of election inspector sa mga lugar na maraming Filipino ang nakatira, habang sa “vote anywhere” ay pinapayagan na makaboto ang isang Pinoy kahit na nasa iba silang bansa sa ‘voting period’.  

COMELEC

OAV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with