^

Bansa

Summer season, dineklara na ng PAGASA

Pilipino Star Ngayon
Summer season, dineklara na ng PAGASA
Pinag-iingat ng PAGASA ang publiko sa patuloy na pag-init ng panahon, matapos nitong opisyal na ideklara ang pagpasok ng panahon ng tagtuyot o summer season sa bansa.
Photo Release

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang publiko sa patuloy na pag-init ng panahon.

Ito'y makaraang opisyal nang ideklara ng PAGASA ang pagpasok ng panahon ng tagtuyot o summer season sa bansa.

Ayon kay PAGASA Administrator Vicente Malano, kumawala na ang hanging amihan sa bansa na senyales ng pag-init na ng klima sa ating bansa.

Niliwanag ni Malano na sa pagpasok ng panahon ng tag-init ay may minsang ulan din na mararanasan dulot ng easterlies at localized thunderstorms.

Hinikayat din ni Malano ang publiko na umiwas sa matinding init ng panahon tulad ng hindi paglabas ng bahay ‘pag mainit ang sikat ng araw para makaiwas sa stroke, magsuot ng maaliwalas na damit at light colors na may reflection sa init ng sikat ng araw at madalas na pag-inom ng tubig para hindi ma-dehydrate at iwas sa madalas na pagkain ng protein foods dahil nagdudulot ito ng pag-init ng temperatura ng katawan ng tao. - Angie dela Cruz

PSN, nalabanan ang dagok ng pandemya

Parang kailan lang, aba'y saktong anibersaryo ng Pilipino Star NGAYON nang magdeklara ng total lockdown si Pres. Duterte Rodrigo noong March 17, 2020 dahil sa banta ng COVID-19. Kung kaya ang PSN ay napilitang magkaroon ng skeletal force upang umusad pa rin ang trabaho at maihatid ang pagbabalita at impormasyon sa ating mga mambabasa.

Hindi nakaligtas ang PSN sa problemang pinagdaraanan dulot ng pandemya. Napilitan din magbawas ng mga pahina at maghigpit ng sinturon ang kompanya dahil na rin sa limitadong galaw dahil sa mga nilatag na protocol ng gobyerno.

Kung paano ang lahat ay napilitan na gumamit ng social platform dahil bawal nga lumabas ang mga tao noong nakaraang taon, hindi ito naging hadlang upang maiparating sa mga avid readers ang kopya ng PSN.

Hindi man makabili ng diyaryo, ang problema ay nabigyan ng solusyon sa pamamagitan ng digital copy. Saktong kopya ng mga makukulay na lamang mula front page hanggang likod ng Sports section ng diyaryo.

Mabilis nga ang inog ng mundo, salamat na nagdeklara ng Alert Level 1. Hudyat na bumaba na ang bilang ng mga kaso ng mula sa mga nagsulputang variant ng COVID.

Nasubok man ng COVID ang PSN, ngayon ay kasabay ng masang Pinoy na bumabangon upang harapin ang bagong hamon na dulot ng pandemya. - Lanie B. Mate

Karapatan mo, kilala mo?

"There can be no peace without development, no development without peace, and no lasting peace or sustainable development without respect for human rights and the rule of law." -  Former UN Deputy Secretary-General Jan Eliasson

Huwag mong hayaan ang iba na ipahayag kung sino ka, ang iyong buhay o ang iyong kinabukasan. Sa kabila ng mga pang-aabuso at kawalan ng respeto, dahas at pagpatay, mabibigyan natin ng proteksiyon ang ating sarili, pamilya at ang lipunan.

Alamin natin ang ating mga karapatan at ang dangal bilang tao:

1. Magbuo ng pamilya

Ang mga nasa wastong gulang ay may karapatang magpakasal at magkaroon ng pamilya kung gusto nila. Ang mga lalaki at babae ay may parehong mga karapatan kapag sila ay kasal at kapag sila ay hiwalay.

2. Pagkain at tirahan para sa lahat

Lahat tayo ay may karapatan sa masaya, mapayapa at malayang buhay. Ang mga ina at mga anak, mga taong matanda, walang trabaho o may kapansanan—lahat ng tao ay may karapatang pangalagaan.

3. Marangal at ligtas na pamumuhay

Lahat tayo ay may karapatan sa abot-kayang pabahay, gamot, edukasyon at pangangalaga sa bata, sapat na pera upang mabuhay at tulong-medikal kung tayo ay may sakit o matanda.

4. Ang karapatang magmay-ari

Ang bawat tao'y may karapatang magmay-ari o ibahagi ang mga ito. Walang sinuman ang dapat kumuha ng mga bagay mula sa atin nang walang makatuwirang dahilan.

5. Malayang pag-iisip

Lahat tayo ay may karapatang maniwala sa gusto nating paniwalaan, magkaroon ng relihiyon o baguhin ito kung gusto natin.

6. Malayang pagpapahayag

Lahat tayo ay may karapatang magdesisyon, mag-isip ng gusto, magsabi ng iniisipat magbahagi ng mga ideya sa ibang tao.

7. Ang karapatan sa pampublikong pagpupulong

Lahat tayo ay may karapatang makipagkita sa ating mga kaibigan at magtulungan sa kapayapaan upang ipagtanggol ang ating mga karapatan. Walang sinuman ang makakapagsali sa amin sa isang grupo kung ayaw namin.

8. Ang karapatan sa demokrasya

Lahat tayo ay may karapatang makibahagi sa pamahalaan ng ating bansa. Ang bawat nasa hustong gulang ay dapat payagang pumili ng kanilang sariling mga pinuno.

9. Mga karapatan ng manggagawa

Ang sinumang nasa hustong gulang ay may karapatang magtrabaho, tumanggap ng patas na sahod at makibahagi kung nais sa isang unyon.

10. Ang karapatang magpahinga

Lahat tayo ay may karapatang magpahinga mula sa trabaho.

Lagi nating tandaan na ang bawat tao'y may karapatan sa mga karapatang ito, nang walang pagtatangi o diskriminasyon.

Sapagkat tayo'y nilikhang kawangis ng Maykapal!

"May the nations be glad and sing for joy, for you rule the peoples with equity and guide the nations of the earth." - Psalm 67:4. - Joseph R. Duyan

PSN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with