^

Bansa

Martin Andanar pinalitan si Nograles bilang tagapagsalita ni Duterte

Philstar.com
Martin Andanar pinalitan si Nograles bilang tagapagsalita ni Duterte
Video grab sa unang Palace press briefing ni acting presidential spokesperson Martin Andanar, ika-8 ng Marso, 2022
Video grab mula sa Facebook account ng RTVM

MANILA, Philippines — Hahalili bilang acting presidential spokesperson ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Communications Secretary Martin Andanar matapos iwan ni dating Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pwesto.

"Old face, additional role. An honor to serve President Rodrigo Roa Duterte and be one of his last men standing," ayon kay Andanar sa isang Facebook post, Martes, habang ibinabalita ang kanyang panibagong responsibilidad.

Ngayong ang unang araw  na magtratrabaho si Andanar, dating anchor ng TV5 at Radyo5, bilang tagapagsalita ni Duterte.

Bago ang spokesperson post, kalihim na si Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). PCOO ang may hawak sa People's Television Network (PTV), Philippine News Agency (PNA), Philippine Information Agency (PIA), atbp. 

Ika-7 ng Marso nang manumpa kay Digong bilang bagong chairperson ng Civil Service Commission si Nograles, dahilan para mabakante ang kanyang posisyon bilang acting spokesperson.

Sasamahan ni National Economic and Development Authority Undersecretary Rosemarie Edillon si Andanar sa kanyang unang Palace press briefing bilang acting presidential spokesperson. — James Relativo

MARTIN ANDANAR

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with