^

Bansa

Andanar umamin sa PCOO blunder

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Andanar umamin sa PCOO blunder
Sinabi ni Andanar na nakakahiyang kay Sen. Sherwin Gatchalian pa nangyari na natawag itong Winston Gatchalian.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Inamin kahapon ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na “frustrating” ang mga pagkakamali ng ilan sa mga ahensiya sa ilalim ng Presidential Communication Operation Office lalo pa at isa itong government entity.

Sinabi ni Andanar na nakakahiyang kay Sen. Sherwin Gatchalian pa nangyari na natawag itong Winston Gatchalian.

Ayon kay Andanar, batid niyang hindi lang naman government news agency ang nagkakamali pero hindi ito dahilan para mabigyang-katwiran ang pagkakamali.

Kaugnay nito ay sinabi ni Andanar na ina-adjust nila ngayon ang standard operating procedures (SOP) sa paggawa ng balita dahil sadyang hindi naiiwasan ang pagkakamali sa paggawa ng balita.

Sa kabila nito, kinumpirma ni Andanar na hindi din naman maiwasan na mayroong maparusahan kapag mapatunayang nagpabaya o sinadya ang pagkakamali.

Magugunita na bukod sa pagtawag na Winston Gatchalian kay Sen. Win Gatchalian ay naging pagkakamali din ng PCOO sa pangalan ng namayapang former National Security Adviser Roilo Golez na tinawag naman Rogelio Golez at ang Norwegia sa halip na Norwegian.

vuukle comment

MARTIN ANDANAR

SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with