‘Acceptance rating’ ni Rep. Martinez, lalong tumaas
MANILA, Philippines — Nakapagtala si Deputy Speaker at two-term Valenzuela City 2nd District Rep. Eric Martinez ng napakalaking ‘acceptance rating’ sa isang independent survey na isinagawa kamakailan, na lalo pang nagpalobo ng kanyang kalamangan sa katunggali niya sa nalalapit na May 9 elections.
Mula sa 73 percent noong August 2021, tumaas pa sa 84 percent ang nakuhang rating ng Valenzuela City 2nd District lawmaker sa January 2022 survey, habang ang kalaban niya ay nabawasan pa ng 2%, na naging 16%, kumpara sa 18% nito noong nakaraang taon.
Ilang local political observers ang agarang napahayag ng kanilang saloobin hinggil dito at kumbinsido silang ang naturang latest survey ay resulta ng kahanga-hangang accomplishments ni Martinez sa larangan nang paghahatid ng social services, sports development, education at healthcare lalo nitong kasagsagan ng COVID-19 crisis.
Patunay nito na sa loob lamang ng halos 12 buwan, higit 150,000 bags of rice ang naipamahagi ng Congressional office ni Martinez partikular sa mga indibidwal at pamilya na residente ng nasasakupan niyang distrito na grabeng naapektuhan ang kabuhayan dala ng coronavirus pandemic.
Kabilang naman sa kanyang pre-pandemic infrastructure projects ang higit sa 400 classrooms sa loob lamang ng halos anim na taon niyang panunungkulan, kasama na ang iba’t-ibang road networks at pagpapatayo ng 12 world-class basketball courts, na bukas sa publiko, walang bayad at simbolo ng kanyang matibay na adbokasiya sa larangan ng youth and sports development.
Bilang bahagi ng matatag niyang programa sa pagkakaloob ng serbisyo medikal sa gitna ng pandemya, ilang health care at day care centers din ang naipagawa mula sa inisyatiba ni Martinez.
Marami ang naniniwala na dahil sa napakalaking ‘acceptance rating’ ni Martinez sa hanay ng mga mamamayan at botante ng Valenzuela City 2nd District, mananatiling matatag ito sa kanyang kasalukuyang posisyon.
- Latest