Pacquiao at Robredo, nagtsismisan bago tumulong sa mga nasalanta ng Odette?
Nagtsismisan nga ba muna sina Sen. Manny Pacquiao at Vice President Leni Robredo sa Twitter bago tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette?
Ano'ng totoo?
Laman ng tweets ang palitan ni Robredo at Pacquiao tungkol sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Nauna rito ang panawagan ng senador sa kanyang Twitter account kung saan hinikayat niya ang kanyang mga kapwa kandidato na magsama-sama para matulungan ang mga kababayang naapektuhan.
Sa katotohanan, pinapakita ng palitan ng tweets nina Pacquiao at Robredo na sila ay nagco-coordinate ng tulong na puwedeng ibigay sa mga nasalanta.
----
Ang article na ito ay unang inilathala ng Tsek.ph, isang collaborative fact-checking project para sa halalang 2022 sa Pilipinas. Ang Philstar.com ay founding partner ng network na ito kasama ng iba pang miyembro mula akademya't media para kontrahin ang pagkalat ng maling impormasyon gamit ang beripikadong mga datos.
- Latest