^

Bansa

'Kung panalo sa 2022': Isko Moreno ititigil importasyon ng bagong agri goods tuwing anihan

James Relativo - Philstar.com
'Kung panalo sa 2022': Isko Moreno ititigil importasyon ng bagong agri goods tuwing anihan
Kuha kay Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, ika-31 ng Enero, 2022 habang ipinepresenta ang kanyang 10-point economic agenda sa 2022
Video grab mula sa Facebook page ni Manila Mayor Isko Moreno

MANILA, Philippines — Bilang suporta sa mga magsasakang Pinoy, nangako si presidential candidate at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na walang bagong importation permit na mapipirmahan pagdating sa mga produktong agrikultural tuwing harvest season kung manalo siya sa 2022.

Ito ang pahayag ng actor-turned-politician, ngayong mag-aangkat ng galunggong ang Pilipinas mula sa ibang bansa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng isda. Meron ding Rice Tariffication Law ang bansa na nagpapahintulot sa "unlimited" na pagpasok ng dayuhang bigas sa 'Pinas — bagay na ikinaaaray ng mga lokal na magbubukid.

"Sisiguraduhin ko na kapag magtatanim kayo ng sibuyas [o bawang], I'll make sure na 'yung mga bawang ninyo mabibili dahil I will look into it personally during harvest time that no importation permit will be signed during harvest time," ani Domagoso, Lunes, habang hinihikayat ang farmers magtanim.

"Kasi napapansin ko kung kailan mag-aani na 'yung mga magsasaka, kung maka-isyu ng import permit eh lima, singko."

"Kaya itong mga magsasaka natin, dahil flooded ng mga particular agri products [mula ibang bansa] sa market kaya wala silang kalaban-laban sa presyo. Ang tendency is malugi sila o bentang lugi."

Ang mga sumusunod ay binanggit ni Isko habang iprinepresenta ang kanyang 10-point economic agenda, kung saan napag-usapan ang food security ng Pilipinas — isang bansang hindi pa gaanong maunlad.

 

 

Ginarantiyahan din ng alkalde na bibilhin ng gobyerno ang itatanim na bigas ng mga magsasaka upang hindi sila malugi. Iba pa raw na isyu ang epekto sa mga nagbubungkal ng mga middle-men: "Sa mga kwento... 18 ang puhunan, 12 ang benta [ng produkto]."

Dagdag pa niya, nakapagtatakang nag-aangkat ang Pilipinas ng isda mula sa mga dayuhan gayong arkipelago ang bansa at napaliligiran ng mga dagat, ilog, atbp.

Enero lang nang ibalitang inaprubahan ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng 60,000 metric tons ng isda sa unang kwarto ng 2022 upang "matiyak ang suplay" sa Pilipinas.

"We guarantee every Filipino: Walang pagkaing papasok sa bansa natin [nang iligal], masama ang quality, underrated, so on and so forth," dagdag pa niya, habang idinidiing huli sa prayoridad niya ang importasyon.

"We buy our own [produce]. Magtanim na kayo, palarin ako [manalo], sigurado kikita kyo, mapanatag kayo at maging feasible uli ang pagiging bahagi mo ng agricultural [sector]."

'Kulang hindi pagpirma sa permits'

Sa pananaw ni Anakpawis party-list first nominee at dating Agrarian Reform Secretary Rafael "Ka Paeng" Mariano kanina, hindi sapat ang gusto ni Domagoso pagdating sa pagharang sa mga imports — kailangang may baguhin sa batas.

"[Kailangang ibasura ang polisiyang] liberalisasyon tulad ng Rice Liberalization Law, seryosong pagpapalakas ng productivity, para sa national food security at self-reliance, at mawala o mabawasan ang pangangailangan sa importation," ani Mariano sa isang statement kanina.

"Halimbawa kung pinabayaan ang sektor ng palay, at dahil sa liberalisasyon ay bagsak ang ani, matutulak talaga ang bansa na mag-import ng bigas, hindi uubra ang deklarasyong hindi pagbibigay ng permit rito, kundi ang dapat na naunang pagsuporta sa pagsasaka. Kapag wala, dudulo talaga sa importasyon."

Bahagi ang Anakpawis ng Makabayan bloc, na una nang nag-endorso sa kandidatura ni Bise Presidente Leni Robredo sa pagkapangulo sa 2022.

2022 NATIONAL ELECTIONS

AGRICULTURE

ANAKPAWIS PARTY-LIST

IMPORTATION

ISKO MORENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with