^

Bansa

1Sambayan isinama si Colmenares sa kanilang 2022 senatorial slate

Philstar.com
1Sambayan isinama si Colmenares sa kanilang 2022 senatorial slate
Kuha kay Bayan Muna chairperson Neri Colemanares habang idinedeklara ang
Video grab from 1Sambayan Youtube channel

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ng isa ang ieendorso ng opposition coalition na 1Sambayan sa pagkasenador sa 2022 — sa pagkakataong ito, si Bayan Muna chairperson Neri Colmenares.

"Isang malaking karangalan sa akin na mapili bilang isa sa mga senatorial candidates ng 1Sambayan," wika ni Colmenares, habang idinidiing dapat magkaisa ang oposisyon sa 2022 elections.

"Malugod ko pong tinatanggap ang karangalang ito. Sa inyong suporta, kayang-kaya ko pong maging tapat na boses ng karaniwang tao sa Senado."

Matatandaang ipinangako ng grupo na bubuo sila ng unified opposition slate sa susunod na taon. Gayunpaman, karamihan sa mga naisama sa slate sa ngayon ay kahawig ng naunang mga inendorso ng Liberal Party para sa pagkasenador

Una nang inanunsyo ng koalisyon ang mga sumusunod bilang bahagi ng kanilang Senate line-up:

  • dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat
  • Sen. Leila de Lima
  • Free Legal Assistance Group chairperson Chel Diokno
  • Sen. Risa Hontiveros
  • abogadong si Alex Lacson
  • Federation of Free Workers president Sonny Matula
  • dating Sen. Antonio Trillanes IV

Matagal nang ugong-ugong na nakikipag-usap ang kampo nina Robredo kay Colmenares. Sa kabila nito, Oktubre nang sabihin ni Neri na pumalag si Trillanes sa pagkakasama sa kanya sa slate ng bise presidente.

Taong 2021 pa lang nang ianunsyo ng 1Sambayan na susuportahan nila bilang "pro-democracy" coalition ang presidential candidacy ni Bise Presidente Leni Robredo pati na rin ng katambal at vice presidential bet na si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan.

Kasabay ng pagdadagdag ng 1Sambayan kay Colmenares — isang kilalang aktibista at dating Bayan Muna lawmaker — ang pag-endorso ng militanteng Makabayan bloc sa kandidatura nina Robredo at Pangilinan

"We'll add to this initial list of eight [candidates] as we receive the public declarations of support to the Leni-Kiko ticket from the other senatorial candidates who would then be included in our list," paliwanag naman ni 1Sambayan convenor at dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio.

"We in the 1Sambayan pledge pledge to campaign with all our might for all our candidates." — James Relativo

1SAMBAYAN

2022 NATIONAL ELECTIONS

KIKO PANGILINAN

LENI ROBREDO

NERI COLMENARES

OPPOSITION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with