^

Bansa

De Guzman nais ituloy peace talks sa CPP-NPA; bukas na ilagay sila sa Gabinete

James Relativo - Philstar.com
De Guzman nais ituloy peace talks sa CPP-NPA; bukas na ilagay sila sa Gabinete
New People’s Army guerillas, the armed wing of the Maoist rebels, stand in formation during the turn-over ceremony of captured government soldiers to officials and peace advocates in the hinterlands of Matanao town, Davao del Sur province, in southern island of Mindanao on April 19, 2017. Negotiations between Manila and the rebels collapsed in February after the guerrillas killed several soldiers and police in a series of attacks, spurring President Rodrigo Duterte to angrily call off the talks. Duterte later softened his stance and agreed to resume discussions with the communist-led National Democratic Front.
AFP/Manman Dejeto, File

MANILA, Philippines — "Genuine" na usapang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) ang itutulak ng presidential candidate na si Ka Leody de Guzman kung papalaring manalo sa 2022 — maliban pa sa pagiging bukas na isama sila sa kanyang Gabinete.

Ibinahagi 'yan ng labor leader at Partido Lakas ng Masa standard bearer sa "Bakit Ikaw?" DZRH presidential job interview nitong Miyerkules.

"Gagawin ko ang pakikipag-peace talk. Sang-ayon ako na mag-usap para ma-resolve 'yung mahabang panahong problema ng insurgency," ani De Guzman kahapon tungkol sa mga rebeldeng komunista.

"Ako'y naniniwala na 'yung mga nag-aarmas... hindi naman 'yan natuwa lang na mag-armas... May historical na kahilingan 'yan na hindi na-resolve-resolve katulad ng inhustisyang nangyayari sa ating bansa tulad ng [kawalan ng] reporma sa lupa."

 

 

Bagama't nasa ligal na pakikibaka si De Guzman, Kaliwa at sosyalista kung ituring ng nauna ang kanyang sarili — gayundin ang pananaw ng CPP at armadong grupong NPA sa kanilang sarili.

Dating bahagi ng pambansa-demokratikong Kilusang Mayo Uno (KMU) si De Guzman pero kalauna'y humiwalay dito. Kasalukuyan siyang nasa Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) na may tunggaliang ideolohikal sa KMU, ngunit nagkakaisa ang dalawa sa ilang laban gaya ng pagbabasura ng kontraktwalisasyon.

"Tingin ko magaganap ang totoong peace talks at pagtigil ng armadong labanan kapag na-resolve, na-address 'yung problema na napaka-legitimate naman," sabi ni Ka Leody, habang idinidiing hindi ito nangyari noon dahil sa pakikipagsabwatan ng mga naunang presidente sa mga mayayaman at oligarko.

Matatandaang pumustura noon si Pangulong Rodrigo Duterte bilang "sosyalista" rin noong tumatakbo pa sa pagkapangulo noong 2016 at nakipag-usap sa CPP-NPA-National Democratic Front of the Philippines (NDF).

Bagama't naging palakaibigan noon si Digong sa mga komunistang lider gaya nina Luis Jalandoni at noo'y CPP leaders Benito at Wilma Tiamzon, permanenteng itinigil ng presidente ang peace talks noong Marso 2019 dahil sa "terorismo" aniya ng mga rebolusyonaryo at pangungumpiska ng lupa.

Maliban sa libreng pamamahagi ng lupa, ilan sa inilalaban ng CPP-NPA ang pambansang industriyalisasyon, pagwakas sa dominasyon ng mga dayuhan sa Pilipinas, libreng edukasyon atbp., bagay na mangyayari lang daw kapag naagaw ng mga manggagawa ang gobyerno sa naghaharing-uri gamit ang armadong pakikibaka.

Anong itsura ng De Guzman Cabinet sa 2022?

Nang tanungin kahapon si De Guzman kung isasali niya sa kanyang Gabinete ang mga miyembro ng CPP-NPA, maiksi lang ang kanyang naging sagot: "Depende kung sila'y gustong pumwesto sa ating Gabinete."

Hinihingi pa ng Philstar.com ang pananaw dito ni CPP chief information officer Marco Valbuena ngunit hindi pa tumutugon sa ngayon.

Una nang sinabi ng BMP leader sa hiwalay na panayam kahapon ng Politiko na iniisip niyang ilagay ang kanyang running mate at vice presidential candidate na si Walden Bello sa Department of Finance.

Ilan pa sa mga napipisil niyang maging kabahagi ng kanyang posibleng Gabinete ang economic expert at IBON Foundation executive director na si Sonny Africa, Dr. Tony Leachon para sa Department of Health, PLM chair Sonny Melencio sa Department of Defense, University of the Philippines Prof. Ed Tadem ng Freedom from Debt Coalition, atbp.

"Titiyakin kong... ito 'yung mga taong nakasama ko at may track record na walang kwestyon sa paglilingkod sa sambayanan," dagdag pa niya.

Dati nang inilagay ni Duterte ang ilang progresibong aktibista sa kanyang Gabinete gaya nina Judy Taguiwalo sa Department of Social Welfare and Development, dating Anakpawis Rep. Rafael Mariano sa Department of Agrarian Reform, atbp. ngunit tinanggal din.

Sa kabila nito, pangpito lang si Ka Leody sa huling electoral survey ng Pulse Asia nitong Disyembre 2021 pagdating sa posisyon ng pagkapangulo, matapos makakuha ng suporta ng 0.004% katao.

2022 NATIONAL ELECTIONS

ACTIVISM

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

LEODY DE GUZMAN

NEW PEOPLE'S ARMY

PEACE TALKS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with