220 Pinoys sa UAE binigyan ng pardon – Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang gobyerno ng United Arab Emirates (UAE) dahil sa pagbibigay ng pardon sa may 220 Filipino na nasa iba’t ibang bilangguan sa naturang bansa.
“Ikinagagalak kong ipabatid na sa okasyon ng ikalimampu’t tatlong National Day ng United Arab Emirates, dalawang daan at dalawampung Pilipino ang pinagkalooban ng pardon ni Kanyang Kamahalan Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ang nasabing desisyon aniya ay karagdagan sa 143 Pinoy na nauna nang nabigyan ng pardon noong Eid al-Adha na nagpapatunay na matibay ang ugnayan ng ating bansa sa UAE.
Patuloy na rin aniyang pinoproseso ang mga dokumento ng ating mga kababayan para sa kanilang agarang pagbabalik.
- Latest