^

Bansa

DOH: Omicron variant cases sa Pilipinas umakyat lalo sa 43

James Relativo - Philstar.com
DOH: Omicron variant cases sa Pilipinas umakyat lalo sa 43
Health workers attend to patients at the Mandaluyong City Medical Center on Wednesday, Jan. 5, 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Umabot na sa 43 kaso ng mas nakahahawang COVID-19 Omicron variant ang natutuklasan sa Pilipinas, pagbabahagi ng Department of Health (DOH) sa isang pahayag.

Nadagdagan kasi ng 29 bagong Omicron cases ang nasisipat ng DOH sa pakikipagtulungan ng Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines - National Institutes of Health (UP-NIH), Huwebes.

Ang mga nabanggit ay naobserbahan mula sa 48 samples na sinequence ng gobyerno noon pang ika-2 ng Enero.

Ang 29 bagong kaso ay binubuo ng:

  • returning overseas Filipinos (10)
  • local cases (19)

"The 29 Omicron variant cases are composed of 10 ROFs and 19 local cases with indicated addresses in the National Capital Region, bringing the total number of confirmed Omicron variant cases to 43," ayon sa pahayag na inilabas ng DOH kanina.

Narito ang breakdown ng kalagayan ng 19 lokal na Omicron cases:

  • aktibo (14)
  • gumaling na (3)
  • bineberipika pa (2)

Tinitiyak pa naman ng DOH ang test results at health status ng lahat ng pasahero sa ilang flights para matiyak kung meron pang mga nagpositibo o mga pasaherong naging symptomatic lang noong dumating ng bansa.

"Travelers who have arrived in the Philippines through these flights may call the DOH COVID-19 Hotlines at (02) 8942 6843 or 1555, or their respective LGUs to report their status," ayon sa DOH.

Sinasabi ito ng DOH kahit wala silang inilagay na flight numbers ng mga eroplanong sinakyan ng mga pasahero.

Una nang sinabi ng Kagawaran ng Kalusugan na aabot sa "walong beses" na mas nakahahawa ang Omicron kaysa sa highly transmissible na Delta variant.

18 pang Delta cases

Bukod sa Omicron variant, nadagdagan din ng 18 kaso ng mas nakahahawang Delta variant sa Pilipinas, ayon sa gobyerno:

  • ROFs (8)
  • local cases (10)

Ang mga lokal na kaso ay sinasabing mga taga-National Capital Region.

"This update brings the total number of confirmed Delta variant cases to 8,497," patuloy ng DOH kanina.

Patuloy namang ineengganyo ng kagawaran ang lahat ng eligible individuals, lalo na ang mga senior citizens, may comorbidities at mgas bata na magpabakuna laban sa COVID-19 at magpabooster.

Kasalukuyang nakalagay ang Metro Manila, Bulacan, Cavite at Rizal sa mas mahigpit na Alert Level 3 dahil sa biglaang pagtaas ng COVID-19 cases kamakailan, bagay na umaabot na sa 2.87 milyon katao.

Simula bukas, ika-7 ng Enero, ilalagay na rin ang Laguna sa naturang Alert Level 3 classification.

DELTA VARIANT

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

PHILIPPINE GENOME CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with