^

Bansa

IATF pag-uusapan kung 'no bakuna, no labas' policy ipatutupad sa buong Pilipinas

James Relativo - Philstar.com
IATF pag-uusapan kung 'no bakuna, no labas' policy ipatutupad sa buong Pilipinas
Marikina City line up to have their COVID-19 vaccine booster shot at the Marikina Sports Complex on Monday, Jan. 3, 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Isa sa mga posibleng pag-usapan ng  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang paghihigpit sa paglabas ng bahay ng mga hindi pa bakunado sa buong Pilipinas sa gitna ng bagong COVID-19 surge at banta ng nakahahawang Omicron variant.

Una na kasing iminungkahi ni COVID-19 testing czar Vince Dizon at tatlong kalihim ng Gabinete na ipatupad din sa buong Pilipinas ang "No Bakuna, No Labas" policy na pinagkasunduang ipasa ng 17 Metro Manila mayors habang nasa alert level 3 ang rehiyon.

"May meeting po ang IATF tomorrow, and that's one of the possible topics that we will be discussing," ani acting presidential spokesperson Karlo Nograles, Miyerkules, sa isang press briefing.

"As it stands right now... so far, 'yung Metro Manila Council ay nagkaroon ng isang resolution... napagkasunduan nila na magkakaroon sila ng ordinansa [ukol dito]."

Sa resolusyon ng MMC, napagkaisahan ng NCR mayors magpapasa sila ng kanya-kanyang ordinansa bago ipatupad ang polisiya. Sa kabila nito, papayagan ang mga unvaccinated kung lalabas para sa essential goods and services, trabaho at medical reasons.

Ngayong araw din nang ipatupad ang alert level 3 sa Rizal, Cavite at Bulacan (bahagi ng Region IV-A o CALABARZON) dahil din sa pagtaas ng COVID-19 cases at Omicron threat.

"Then the CALABARZON... regional task force is also supporting that and perhaps even the local government units and the provinces under CALABARZON might also come up with their own respective ordinances," dagdag pa ni Nograles kanina.

"Obviously for other [local government units] as well, it's up to them to decide. But as far as IATF is concerned, we will probably talk about it tomorrow sa atming IATF full meeting."

LGUs nakapagpasa na ng ordinansa

Samantala, aprubado naman na ng ilang Metro Manila cities ang mga ordinansa kaugnay nito.

Kasama na sa mga nabanggit ang Lungsod ng Quezon at Lungsod ng San Juan, na nakapaglabas na ng kani-kanilang local legislation sa mga hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.

"We recognize the inconvenience this Ordinance may place on some people. However, we must remember that lives are at stake. We all must support the national government’s urgent call for a vaccine mandate, especially given the new surge in cases," ani QC Mayor Joy Belmonte kanina.

"We appeal to those not yet vaccinated to get their shots as soon as they can. Also, we encourage those who have not yet gotten their booster shots to do the same."

Maliban dito, hindi pwedeng kumain ng dine-in ang mga nabanggit, pati na rin pumasok ng mga establisyamento para sa liesure purpoes.

Kailangan namang magpa-COVID-19 test ang mga hindi pa fully vaccinated workers kada dalawang linggo, na dapat manggaling sa sariling bulsa.

Bibigyan naman ng "grace period" ng QC Council ang mga non-vaccinated workers ng isang buwan para makuha ang kanilang unang COVID-19 vaccination shot. Kung magagawa nila ito at makuha ang ikalawang dose na kinakailangan, hindi na nila kailangan kumuha ng bi-weekly test.

Ganito rin naman ang sabi ni San Juan Mayor Francis Zamora sa kahalintulad na pahayag nitong Martes.

"I have signed City Ordinance No. 1, series of 2022, providing for the enhanced vaccination mandate to regulate the mobility of unvaccinated individuals within the territorial jurisdiction of San Juan City and providing penalties for violations thereof," ani Zamora.

"This will be effective immediately. For everyone's compliance for the health and safety of our people."

'Free mass testing dapat, hindi ito'

Una nang pinalagan ng mga progresibong grupo gaya ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Bayan Muna party-list ang naturang polisiya, habang idinidiin na dapat boluntaryo at hindi sapilitan ang pagpapabakuna habang pinaliliwanagan ang publiko. Pagtatakip din aniya ito ng gobyerno sa mabagal nitong vaccination efforts.

Nakakadismaya daw na kailangang manggaling sa sariling bulsa ng mga unvaccinated — na maaaring napipigilan ng medical, religious beliefs at personal na mga kadahilanan — ang COVID-19 tests na aabot sa P4,000 hanggang P6,000 kada buwan.

"Wala pa ring alam na solusyon ang gobyerno kundi paghigpitan ang galaw ng taumbayan. Walang plano sa libreng mass testing, sistematiko at agresibong contact tracing para mabilis na matukoy ang may sakit," ani KMU secretary general Jerome Adonis kanina.

"May karapatan po ang bawat indibidwal at nasasaad sa Section 12 ng R.A. 11525: '(t)he vaccine cards shall not be considered as an additional mandatory requirement for educational, employment, and other similar government transaction purposes.'"

"Vaccine education ang kailangan at hindi sapilitan ang pagbakuna. Hindi dapat makatapak sa karapatan ng mamamayan ang mga polisiya kaugnay ng pandemya!"

Dagdag pa ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, hindi ibig sabihin ng free mass testing ay COVID-19 sa lahat ng tao: kundi pag-prioritize sa mga may sintomas, may COVID-19 exposure at yang mga galing sa high risk areas sa Pilipinas at abroad. Dapat dim aniya tugunan agad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suplay ng bakuna.

BAYAN MUNA PARTY-LIST

COVID-19 VACCINES

IATF

KARLO NOGRALES

KILUSANG MAYO UNO

NOVEL CORONAVIRUS

QUEZON CITY

SAN JUAN CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with