^

Bansa

'No vaccine, no labas policy sa NCR hindi solusyon sa COVID-19 surge'

Philstar.com
'No vaccine, no labas policy sa NCR hindi solusyon sa COVID-19 surge'
Filipino shoppers flock to Quiapo in Manila City on Thursday, Dec. 30, 2021 to purchase round fruits and other goods in preparation for New Year's Day celebrations.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Pinalagan ng isang kumakandidato sa pagkasenador ang hakbang ng ilang local government units (LGUs) na higpitan ang paglabas ng mga walang kumpletong bakuna laban sa COVID-19 sa Metro Manila, bagay na planong gawin habang nasa Alert Level 3 ang rehiyon.

Lunes lang nang sabihin ni MMDA chair Benhur Abalos na nagkaisa ang 17 mayors ng Metro Manila na bawalang lumabas ang mga unvaccinated laban sa virus, maliban kung para sa essential goods and services.

"Ang ‘No Vax, No Labas’ ay hindi sagot para mapigil ang Covid 19 surge, ang kailangan ng taumbayan ay... [free] mass testing at sistematikong contact tracing para mabilis na matukoy ang pagkalat ng sakit," ani Kilusang Mayo Uno chair at senatorial aspirant Elmer Labog kanina.

"[Kailangan din ng ayudang] sapat para sa lahat, lalo na at tiyak na dadami na naman ang mawawalan ng trabaho at kabuhayan."

Kanina lang nang umabot sa 4,064 ang bagong kaso ng COVID-19, bagay na malayo sa wala pang 500 kada araw na kaso nitong mga nagdaang linggo.

Ang lahat ng ito ay nangyayari ngayong umabot na sa 14 ang kaso ng "mas nakahahawang" Omicron variant sa Pilipinas, ayon sa Department of Health — kabilang ang tatlong local cases at 11 imported cases. Dahil dito, inilagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang ika-15 ng Enero.

Ayon pa kay Labog, mas kailangan ang matindihan at mas mabilis na paggulong ng COVID-19 vaccines at booster shots kaysa pagpigil sa pagkilos ng mga hindi pa nakakukuha ng kumpletong primary series.

"Dapat maging malaganap ang vaccine education sa bansa para maging maalam ang ating mga  kababayan sa kahalagahan ng bakuna bilang proteksyon sa Covid," dagdag pa niya.

"[Kailangang galangin ang] karapatang pantao, hindi dapat maging sapilitan at mapanupil ang mga polisiya kaugnay ng pandemya."

Bukod pa rito, mainam din daw na gawing libre ang gamutan pagdating sa COVID-19, na minsan ay umaabot sa milyung-milyong piso sa mga ospital sa Pilipinas.

Taong 2020 lang nang ilibre ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang hospitalization coverage para sa mga medical frontliners and allied workers na nahawaan ng COVID-19.

CHR: Polisiya dapat swak sa human rights

Ayon naman kay Commission on Human Rights (CHR) spokesperson Jacqueline de Guia, may mga valid namang dahilan para i-restrict ang karapatan at pagkilos ng mga tao sa gitna ng national emergencies. Pero meron daw mga dapat isang-alang-alang bago ito ipatupad.

"The Commission on Human Rights, however, continues to stress that such policies much be based on human rights standards—that, among others, it must be legal, necessary, proportional, and non-discriminatory as detailed under the Siracusa Principles," ani De Guia kanina.

"Despite the restrictions, unvaccinated individuals must also continue to be allowed to access essential services. Similar policies must contemplate valid exemptions as well, such as religious and valid medical grounds."

Aabot na sa 49.85 milyong ang fully-vaccinated sa Pilipinas, ayon sa huling datos ng gobyerno. Bukod pa rito, 1.84 milyon pa lang ang nakakukuha ng booster shots bilang karagdagang proteksyon sa nakamamatay na sakit.

Kaugnay nito, idiniin ng komisyon sa lahat ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa COVID-19 bilang unang hakbang para manumbalik ang kabuuan ng mga karapatan.

Bagama't obligasyon daw ng gobyerno na respetuhin ang karapatan ng lahat, kailangan din daw na gampanan ng mga indibidwal ang kani-kanilang papel para tapusin ang pandemya. — James Relativo

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

COVID-19 VACCINES

ELMER LABOG

KILUSANG MAYO UNO

METRO MANILA

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with