Pilipinas 'mas naging ligtas sa krimen,' sabi ng 2021 global law and order report

An alleged drug dealer is handcuffed after a drug buy bust operation conducted by policemen where they caught this 18 year old boy selling marijuana in Manila on May 12, 2018. Philippine President Rodrigo Duterte's war on drugs has left nearly 4,000 drug suspects dead and seen human rights groups claim he was responsible for a crime against humanity. The anti-drugs campaign enjoys popular support while the fiery-tongued Duterte has rejected any criticism of his human rights record.
AFP/Noel Celis, File

MANILA, Philippines — Bahagyang umigi ang lagay ng bansa pagdating sa law and order sa pandaigdigang antas, ayon sa pinakabagong pag-aaral na isinagawa ng isang international analytics and advise firm.

Lumalabas na ika-30 ang Pilipinas sa 115 na bansang sinuri sa law and order index ng "Gallup Global Law and Order 2021" report, bagay na sumusukat sa tiwala sa mga pulis, kaligtasan at kriminalidad sa iba't ibang panig ng daigdig.

Sa naturang pag-aaral na isinagawa sa 120,000 katao noong 2020, nakakuha ang Pilipinas ng law and order index score na 85 — kapantay ng United Kingdom, France, Egypt, Ireland, Croatia at Hungary.

 

 

Mas mataas ang grado ng Pilipinas sa 2021 report kumpara sa law and order index score nito noong 2020 (pag-aaral ginawa noong 2019), kung saan nakakuha ng 84 ang bansa. Gayunpaman, 144 bansa ang sinuri sa report noong nakaraang taon.

Ilan sa mga itinanong sa mga respondents ang mga sumusunod:

  • In the city or area where you live, do you have confidence in the local police force?
  • Do you feel safe walking alone at night in the city or area where you live?
  • Within the last 12 months, have you had money or property stolen from you or another household member?
  • Within the past 12 months, have you been assaulted or mugged?

"Nearly seven in 10 people worldwide in 2020 said they feel safe walking alone at night where they live (72%) and have confidence in their local police (71%)," sabi ng Gallup.

"About one in eight (13%) said they had money or property stolen from them or another household member in the past year, and 6% said they were assaulted or mugged."

Dahil sa COVID-19 pandemic, bigo ang Gallup na maitulak ang kanilang surveys sa dalawang bansa na nakakuha ng pinakamataas at pinakamababang puntos noong mga nakaraang taon: Singapore at Afghanistan.

Lumabas ang ganitong datos kahit na aprubado na ng International Criminal Court ang full probe sa human rights situation at madugong war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte, bagay na pumatay na sa lagpas 6,000 katao. Ang ilan dito, sinasabing napatay ng otoridad nang "walang due process."

'Pinakaligtas,' 'pinakadelikadong' bansa

Pinakamataas ang nakuha ng sumusunod na mga bansa/lugar pagdating sa law and order index scores:

  • Norway (94)
  • United arab Emirates (93)
  • China (93)
  • Switzerland (93)
  • Finland (92)
  • Iceland (92)
  • Tajikistan (92)
  • Taiwan (91)
  • Slovenia (91)
  • Austria (91)
  • Portugal (91)

Pinakamababang law and order index scores naman ang nakuha ng sumusunod:

  • Venezuela (53)
  • Gabon (53)
  • Guinea (57)
  • Uganda (57)
  • Cameroon (58)
  • Peru (59)
  • Nigeria (59)
  • South Africa (61)

Pinakaligtas maglakad mag-isa tuwing gabi sa mga sumusunod na lugar, ayon sa survey:

  • United Arab Emirates (95%)
  • Norway (93%)
  • China (91%)
  • Slovenia (91%)
  • Taiwan (89%)
  • Finland (88%)
  • Tajikistan (88%)

Pinaka-"delikado" naman ang pakiramdam ng mga na-survey maglakad-lakad tuwing gabi sa:

  • Venezuela (31%)
  • Gabon (31%)
  • South Africa (40%)
  • Peru (40%)
  • Guinea (40%)
  • Namibia (40%)
  • Chile (41%)
  • Mexico (42%)
  • Cameroon (43%)

"Results for the 2020 perceptions of law and order are based on nationally representative, probability-based samples among the adult populations, aged 15 and older, in 115 countries and areas throughout 2020," patuloy ng Gallup.

"In most countries/areas, surveys were conducted over mobile and landline telephones; some in-person interviews were conducted in Republic of the Congo, India, Mali, Pakistan and Senegal."

Show comments