^

Bansa

LISTAHAN: Mga petisyon sa Comelec para ipatigil kandidatura ni Marcos sa 2022

James Relativo - Philstar.com
LISTAHAN: Mga petisyon sa Comelec para ipatigil kandidatura ni Marcos sa 2022
This photo posted by presidential aspirant Bongbong Marcos on his Facebook page on November 15 shows him visiting Batangas province.
Mula sa Facebook page ni Bongbong Marcos

MANILA, Philippines (Update, December 7) — Patung-patong na ang mga nais humarang sa kandidatura ni dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos sa 2022, dahilan para umabot ito sa tatlong magkakaibang itsura: cancellation, disqualification at pagpapadeklara bilang nuisance candidate.

Ito ang inilahad ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez sa isang press briefing kasama ang media ngayong Huwebes.

"It's hard to say [if he's the most contested candidate in recent history], but in 2016 wala akong nakitang ganito karaming [kumukwestyon sa kandidatura]," sambit ni Jimenez sa mga reporters ngayong hapon.

"Walang ganito karami noong 2016 [national elections]."

Ang mga sumusunod ang sinasabing naghain na ng sari-saring petisyon laban sa kandidatura ni Marcos sa pagkapangulo sa ngayon:

Matatandaang una nang ipinakakansela o "deny" ng ilang petitioners ang COC ni Bongbong Marcos dahil sa "pagsisinungaling" diumano ng anak ng diktador na si Ferdinand Marcos pagdating sa 1995 conviction pagdating sa hindi paghahain ng income tax return, bagay na nagdi-"disqualify" raw sa kanya tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno habambuhay sa ilalim ng National Internal Revenue Code.

Una nang minaliit ni Victor Rodriguez, tagapagsalita ni BBM, ang nabanggit na petisyon para sa cancellation. Hindi nasagot ng kampo ni Marcos ang petisyong ito hanggang dumating ang deadline. Gayunpaman, na-extend ito.

BBM bilang nuisance?

Maliban sa disqualification at cancellation ng COC, merong naghain ng petisyon para ideklarang "nuisance candidate" si Bongbong — ang presidential aspirant na si Lihaylihay.

Sa Section 69 ng Omnibus Election Code, sinasabing pwedeng ipetisyon ng sinumang "interested party" bilang nuisance candidate ang nag-file ng COC kung:

  • nais gawing katatawanan (mockery) ang election process, pati na rin ang mga nais sirain ang magandang reputasyon nito (disrepute)
  • layon nilang manlito ng mga botante dahil sa pagkakaroon ng malaking pagkakahalintulad sa pangalan ng iba pang rehistradong kandidato
  • wala silang seryosong intensyon na tumakbo para sa posisyong hinainan ng COC

Kung mapapatunayang nuisance candidate ang isang tao, tatanggalin agad sa listahan ng mga eligible tumatakbo ang isang aspirant.

"None of these [nuisance] cases [for 2022] hase been resolved yet," patuloy ni Jimenez kanina.

Ipinakakansela ng isa pang Marcos

Kapansin-pansing kaapelido ni Bongbong ang isa sa mga nagpapakansela sa kandidatura ng standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas.

Ito'y mula kay Tiburcio Villamor Marcos na tumatakbo para sa parehong pwesto. Sa Omnibus Election Code, pwedeng tanggalin sa listahan ng mga kandidato ang nag-file ng COC na may matinding pagkakapareho ng pangalan sa isa pa. Ganunpaman, mas kilalang Marcos ang dating senador na nagsilbi na rin sa lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte at bilang miyembro ng Kamara.

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

COMMISSION ON ELECTIONS

JAMES JIMENEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with