Magna Carta of Commuters ­isusulong ng Pasahero partylist

MANILA, Philippines — Kapakanan ng mga pasahero, pangunahing isusulong sa Kongreso.

Ito ang pangako at paniniguro ng PASAHERO Partylist sakaling magwagi sa darating na eleksyon sa Mayo 2022.

“Napapanahon na para bumuo naman tayo ng batas na mangangalaga at magsusulong sa kapakanan ng ating mga pasahero, lalo na ngayong panahon ng pandemya,” ayon sa tagapagsalita ng partido na si Atty. Homer Alinsug.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Alinsug na ang panukalang Magna Carta of Commuters (Commuters Bill of Rights) ang magpapatibay sa karapatan ng mga mananakay.

Kabilang sa mga ito ang karapatang maging ligtas sa biyahe; malinis na transportasyon; mabigyan ng kaukulang atensyon sa oras na madiskaril ang sinasakyang PUV at karapatan sa tamang impormasyon hinggil sa epektibo at mas kampanteng pagbibiyahe.

“Pagsisikapan talaga naming maisabatas sa susunod na kongreso ang Magna Carta of ­Commuters. Panahon na para ‘yung mga pasahero naman ang bigyan natin ng tamang atensyon at pangangalaga. Ito dapat ang isa sa mga prayoridad ng gobyerno,” saad pa ni Alinsug.

Show comments