^

Bansa

'Takits sa korte': Maynila nanindigan vs gobyerno sa non-mandatory face shield policy

James Relativo - Philstar.com
'Takits sa korte': Maynila nanindigan vs gobyerno sa non-mandatory face shield policy
A woman wears a face shield as she attends an event of the Department of Agrarian Reform in Quezon City on Monday, Nov. 8, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hinamon ng isang 2022 presidential aspirant at local chief executive ng kabisera ng Pilipinas ang national government na magtungo ng korte kung pipilitin nilang i-reimpose ang isang kontrobersyal na anti-pandemic policy na sa Pilipinas lang ipinatutupad sa buong mundo.

Sinabi ito ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso matapos banggitin ng Malacañang na DILG na ang bahala sa parusa ng alkalde sa pagtatanggal ng face shield requirement sa kanilang lungsod maliban sa medical setting. Wala pa kasing IATF resolution dito.

"If they are not happy, they can go to court and ask for declaratory relief... Our decision [to remove the face shield policy outside medical facilities] will stay," wika ni Domagoso sa panayam ng ANC, Martes.

"'Yung hiling lang naman ng tao ang aming dinidinig."

Habang pinag-uusapan pa ng mga eksperto at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang magiging kapalaran ng paggamit ng naturang protective equipment, required pa rin kasi ang lahat na suotin ito sa ibabaw ng face mask sa lahat ng  lahat ng "crowded," "closed" at "close contact" (3Cs) areas. Gayunpaman, pwede na itong hindi suotin sa iba pang public areas.

Dahil dito, inilinaw ni presidential spokesperson Harry Roque na "violation" ito ng isang "existing executive policy" na iniutos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit ng police powers sa gitna ng COVID-19 crisis. May chain of command daw na dapat sundin ang mga city mayors kaysa magpatupad ng polisiyang mas maluwag sa ipinatutupad sa buong bansa. Kaso, hindi bumenta ang paliwanag na 'yan kay Domagoso.

"When we speak of chain of command, it speaks of military. We are not uniformed personnel," dagdag ng actor-turned-mayor kanina.

"Control is the power to reverse, supervise is the power to oversee... He (Duterte] has no control over the mayor. He has the power of supervision."

Ilan sa mga gustong tugunan ni Domagoso sa pagpapatupad ng kanyang executive order 42 ay ang pagbawas sa araw-araw na gastusin ng kanyang mga nasasakupan. Matagal na rin kasing kwinekwestyon nang marami ang bisa ang face shields laban sa COVID-19. 

Gayunpaman, dapat pa rin daw magsuot ng face masks at pagtuunan ng gobyerno ang pagbili ng mga gamot gaya ng Tocilizumab at Remdesivir laban sa COVID-19. Nangyayari itong lahat ngayong inirerekomenda na rin ng 17 mayors ng Metro Manila sa IATF na panatilihin na lang ang mandatory face shields sa mga ospital, pampublikong transportasyon atbp. "critical areas" habang bumababa ang mga kaso.

Hindi 'scienced-based'?

Lunes lang din nang makiusap si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa lahat ng mga mayors, gaya ni Domagoso, na bawiin muna ang kanilang mga executive orders at issuances pagdating sa pagtatanggal ng mandatory face shields habang hindi pa tapos ang mga rekomendasyon dito ng mga eksperto.

"Nananawagan po tayo sa ating mga local governments, antayin po natin 'yung IATF na makapagbigay ng agreement or decision regarding the face shield," ayon sa opisyal ng Department of Health kahapon.

"Until we can have the IATF resolution, we urge all local governments to just hold their executive orders [and] issuances so that we can all be uniform in our implementation and we are all aligned."

Aniya, magprepresenta pa sa Huwebes pagdating sa mga "updated recommendations" sa paggamit nito.

Banat tuloy ng Manila mayor, handa silang iatras ang kanilang kautusan oras na makapagpakita sila ng pag-aaral na magsasabing epektibo talaga ang face shields laban sa nakamamatay na COVID-19.

"What they want us to do is something that is not science-based," dagdag pa ni Mayor Isko.

"They have not done their assignment. It's been so many months... We are the only country in the world using face shields."

Taong 2020 lang nang sabihin ni Vergeire na meron nang mga "scientific studies" pagdating sa proteksyong ibinibigay ng sabayang paggamit ng face shield, face mask at pagmementina ng distansya sa kapwa.

Aniya, may "additive" effect daw sa proteksyon ang paggamit nito nang sabayan:

  • face mask (67% protection lang)
  • face shield lang (kaonting proteksyon)
  • face mask at face shield (93% protection)
  • face mask at physical distancing (94% protection)
  • face mask, face shield at distancing (99% protection)

Sa kabila nito, ilang beses na ring naiuugnay sa isyu ng katiwalian sa gobyerno ang procurement ng nasabing shield.

Aabot na sa 2.8 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas kahapon, ayon sa gobyerno. Sa bilang na ito, 44,521 na ang patay.

DEPARTMENT OF HEALTH

FACE SHIELD

HARRY ROQUE

ISKO MORENO

MANILA

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with