Fully vaccinated seniors, mga bata sa NCR puwede nang bumiyahe sa GCQ at MGCQ

Children enjoy playing at the playground at Bernardo Park Brgy. Kamuning in Quezon City while the Department of Education are setting up the Face to face classes this coming November 15, 2021.
Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Naglagay ang Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ng bagong probisyon sa guidelines tungkol sa pilot implementation ng alert level systems para sa COVID-19 response sa National Capital Region tungkol sa interzonal travel.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, pinapayagan na ang point to point interzonal travel ng mga taga-NCR na mas bata sa 18 taong gulang, mga kumpleto na ang bakuna na lampas sa 65 taong gulang na mayroong comorbidities, at mga buntis patungo sa mga lugar na nasa General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine.

Pero dapat sumunod sa guidelines at health protocols ng Department of Tourism at local government unit na pupuntahan.

Nauna rito, nagdesisyon ang IATF na palawigin ang pagpapatupad ng Alert Level System sa NCR hanggang Oktubre 15.

Samantala, inaprubahan din ng IATF ang protocols para sa close contact ng probable, suspect o confirmed COVID-19 cases.

Ang mga fully vaccinated at close contacts ng probable at confirmed COVID-19 cases ay maaaring mag-quarantine ng pitong araw basta siya ay walang pinakitang sintomas sa loob ng pitong araw.

Hindi na rin kailangan ng testing at quarantine sa close contacts na na-trace na lumampas ng pitong araw at walang pinakitang sintomas.

Show comments