^

Bansa

Bongbong Marcos naghain na ng kandidatura sa pagkapangulo sa 2022

James Relativo - Philstar.com
Bongbong Marcos naghain na ng kandidatura sa pagkapangulo sa 2022
Hawak-hawak ni dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang kanyang certificate of candidacy (COC) matapos maghain ng kandidatura sa pagkapangulo, ika-6 ng Oktubre, 2021
Released/Comelec

MANILA, Philippines (Updated 1:59 p.m.) — Naghain na ng kanyang certificate of candidacy (COC) si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., anak ng diktador, sa Commission on Elections ngayong araw.

Miyerkules lang nang pormal na ianunsyo ni Bongbong, anak ni Ferdinand Marcos Sr., ang planong tumakbo sa pagkapangulo sa isang Facebook live stream matapos lisanin ang Nacionalista Party at lumipat sa Partido Federal ng Pilipinas.

Aminado naman si Marcos na wala pa siyang ka-tandem para sa posisyon ng bise presidente sa ngayon, dahilan para timbangin pa raw niya ang mga option.

"I filed under Partido Federal ng Pilipinas. As of now, no one has filed for vice president under PFP," wika ni Bongbong sa panayam ng media kanina.

"I'll be very candid with you, the reason why that is is that the original plan was for us to adopt [President Rodrigo Roa Duterte] for our vice presidential candidate."

Una nang inanunsyo ni Digong ang kanyang kandidatura sa pagkabise presidente ngunit biglang umatras nitong weekend, matapos niyang sabihin na magreretiro na siya sa pulitika.

Sa kabila nito, naghain ng kanyang COC sa pagkabise presidente si Sen. Christopher "Bong" Go, kapartido ni Duterte sa PDP-Laban, dahilan para pagsuspetyahan ng ilan na baka ang dating special assistant to the president ang maging running mate ni Marcos.

"Pano 'yon, Bongbong-Bong? Bong to the third power? Oh, baka pwede rin. We will see. Siguro nagulat din kayo dahil sa mga nangyari noong Sabado eh," patuloy ng kontrobersyal na kandidato.

Bagama't nakausap noon ni Marcos ang presidential daughter na si Sara Duterte-Carpio tungkol sa pulitika, wala raw silang natalakay na "specifics" pagdating sa eleksyon kung kaya't hindi niya pa masabi kung magiging katambalan ang anak ng kaalyado.

Kahit naghain na ng reelection bid para sa pagkaalkalde ng Davao City si Duterte-Carpio, pwede pa siyang mag-file ng substitution para kumandidato sa ibang posisyon hanggang ika-15 ng Nobyembre.

Kasalukuyang numero uno si Sara sa pagkapresidente sa September 2021 presidential survey ng Pulse Asia.

Senatorial slate ilalabas sa mga susunod na araw

Wala pang inilalabas na senatorial line-up sa ilalim ni Bongbong at PFP sa ngayon. Gayunpaman, nalalapit na raw ang kanyang paglalabas ng listahan.

"'Yung sa Senado naman, we will be providing you with the list of our senatorial candidates in the very near future, within days from now," patuloy niya.

"Kung mapupuno 'yung 12 na punong slate, I cannot say for sure yes. At the very least, we will field, seven, eight, nine candidates. Baka mapuno pa nga 'yung 12."

Matatandaang una nang inendorso ng dati niyang partido na Kilusang Bagong Lipunan (KBL), grupong itinayo ng amang si Ferdinand Marcos Sr., ang kandidatura ni Bongbong bilang kanilang standard bearer nitong ika-24 ng Setyembre.

Inendorso ng KBL ang abogadong si Larry Gadon bilang kanilang senatorial candidate, na siyang natalo na noon sa Senate race. Wala pang balita kung mapapasama si Gadon, na kilalang Marcos loyalist, sa ticket ni Bongbong.

Iba pang Marcoses sa eleksyon

Maliban kay Bongbong, sinasabing dalawa pa ang naghain ng COC sa Comelec na may apelidong Marcos, dahilan para mapag-usapan kung maghahain siya ng disqualification case kaugnay ng pagiging "nuisance candidate."

"Not as yet, tinitignan pa lang namin, aantayin pa lang namin hanggang sa dulo ng filing period and then we will see what we would have to do... then we would decide," patuloy pa niya.

Kasama ang "pagdudulot ng kalituhan," gaya ng pagtakbo ng may kahawig na pangalan, sa mga grounds para makansela ang COC ng isang nuisance candidate sa ilalim ng Section 69 ng Omnibus Election Code.

Umani ng matinding batikos kahapon ang presidential plans ni Bongbong dahil sa patuloy niya diumanong "whitewashing" at hindi paghingi ng tawad sa mga ipinakulong, tinortyur at napatay sa ilalim ng Batas Militar ng kanyang tatay. Guiness World Record-holder para sa "greatest robbery of a government" ang kanyang ama matapos aniyang tangayin ang nasa $5-$10 bilyong nakaw na yaman.

Nobyembre 2018 lang din nang iutos ng anti-graft court na Sandiganbayan ang pag-aresto sa kanyang inang si Imelda, matapos mahatulang guilty "beyond reasonable doubt" sa pitong counts ng graft. Gayunpaman, naghain si Imelda ng nasa P300,000 piyansa noong Disyembre 2018 para rito.

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with