^

Bansa

2022 presidential bid ni BBM 'pagdura sa mga biktima ng Martial Law' — mga grupo

James Relativo - Philstar.com
2022 presidential bid ni BBM 'pagdura sa mga biktima ng Martial Law' — mga grupo
Makikita sa larawan ang mga anti-Bongbong Marcos banners (kaliwa) na ipinatong sa bust ng kanyang ama't diktador na si Ferdinand Marcos Sr. sa Tuba, Benguet at ang larawan ni BBM habang idinedeklara ang kanyang kandidatura kanina, ika-5 ng Oktubre, 2021
Mula sa Facebook page ng Chra Karapatan; Mula sa tanggapan ni dating Sen. Bongbong Marcos

MANILA, Philippines — Hindi lahat ng nakarinig at nakabasa sa 2022 presidential plans ng isang dating senador ngayong araw ay nagbunyi — ang ilan, dismayado't napopoot.

Martes kasi ng hapon nang ianunsyo ni dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang planong pagkandidato sa pagkapangulo next year, dahilan para mainsulto ang ilang human rights advocates at mga biktima ng Batas Militar ng kanyang amang si Macoy.

"Today’s announcement of Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. for his presidential bid in the May 2022 elections is a brazen show of disregard and contempt for the the thousands of Filipinos killed, disappeared, tortured, displaced and violated, and the Filipino nation whose economy was plundered and wrecked during the Marcos dictatorship," sambit ng Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA) sa isang pahayag kanina.

"Bongbong Marcos and his family has long been seeking to reclaim the highest seat of power after they were kicked out of the country by the people - and today, their shameless gall to return to the highest office in government is in full display."

 

 

Ayon sa tala ng Amnesty International at mga istoryador, aabot sa 34,000 ang tinorture, 3,200 ang pinatay at mahigit 70,000 ang ikinulong sa ilalim ng Martial Law ni Ferdinand Marcos Sr. mula 1972 hanggang 1981.

Kanina lang nang ipangako ng nakababatang Marcos na ibabalik niya ang "mapagkaisang paglilingkod na magbubuklod sa ating bansa" at "pagbangon mula sa hagupit ng pandemya at pagkalugmok ng ekonomiya" sa pagharap sa krisis ng COVID-19 kung siya'y mahahalal na pangulo.

"Let us bring Filipinos back to one another in service of our country, facing the crisis and the challenges of our future together. Join me in this noblest of causes and we will succeed. Sama-sama tayong babangon muli," banggit ng junior ni "Ferdie."

'Kilalanin muna niya kasalanan ng pamilya nila'

Dagdag pa ng CARMMA at Bayan Muna party-list, pagtatangka ito ng naturang pamilya upang "burahin" sa ala-ala ng mga Pinoy ang malagim na yugto sa kasaysayan ng Batas Militar at limpak-limpak na salapi ng taumbayan na ninakaw ng yumaong pangulo.

Ang tatay ni Bongbong ang Guiness World Record-holder para sa "greatest robbery of a government" matapos niya aniyang tangayin ang nasa $5-$10 bilyong nakaw na yaman.

Nobyembre 2018 lang nang iutos ng anti-graft court na Sandiganbayan ang pag-aresto sa misis ni Macoy at ina ni Bongbong na si dating first lady Imelda Marcos, matapos mahatulang guilty "beyond reasonable doubt" sa pitong counts ng graft. Gayunpaman, naghain si Imelda ng nasa P300,000 piyansa noong Disyembre 2018 para rito.

"Kung hangad nga ni Marcos ang pagbangon, kilalanin muna ng pamilya ang kanilang kasalanan sa bayan at ibalik ang mga nakubra nila mula sa kaban ng bayan. Wag nila gamiting ang pagka-pangulo para bigyan ng amnesia ang mga Pilipino," wika ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares sa isang pahayag.

"Putting Bongbong Marcos in Malacanang will also allow him to pardon Imelda and his siblings of their liabilities to the people, including the recent ruling on the Marcos estate’s tax debt."

 

 

 

Dagdag pa ni Colmenares, na inaresto't tinortyur din noong Martial Law habang nagsisilbing youth organizer sa Cagayan Valley, magiging pakikibaka para sa demokrasya ang darating na halalan.

Hindi rin daw masasabi ni Bongbong na "inosente" siya sa mga ginawa ng kanyang ama, lalo na't "direkta siyang nakinabang" sa paghawak ng posisyon sa mga crony corporations, ayon sa mga grupo.

"His refusal to apologize to the victims of Martial Law, dismissing them as merely seeking monetary compensation and washing his hands of any involvement in the military rule that allowed the Marcos family to run roughshod over the Filipino people with abandon, completes Bongbong's self-centered image and blind focus on restoring the stature of the Marcos family to their former glory," wika pa ng CARMMA.

"BBM is spitting on the graves of the dead and on the faces of the victims of the Marcos dictatorship. Not a trace of remorse, nor any worthwhile compensation has been given by the Marcos family for the billions worth of treasure and gold that they plundered from the Philippine economy."

Setyembre 2021 lang nang ipag-utos ng Sandiganbayan sa Royal Traders Holding Co. Inc. na bayaran ang gobyerno ng hindi bababa sa P373.49 milyon na napag-alamang parte ng ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

2022 NATIONAL ELECTIONS

BAYAN MUNA

BONGBONG MARCOS

FERDINAND MARCOS

HUMAN RIGHTS

MARTIAL LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with