MANILA, Philippines — Patuloy ang pananalasa ng bagyong "Lannie" sa Visayas at katimugang bahagi ng Luzon, ayon sa pinakahuling ulat ng state weather bureau ngayong araw.
Bandang 4 p.m. nang mamataan ng PAGASA ang mata ng Tropical Depression Lannie sa kalugaran ng Guihulngan, Negros Oriental, Lunes.
- Lakas ng hangin: 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 55 kilometro kada oras
- Direksyon: pakanluran
- Bilis ng kilos: 25 kilometro kada oras
"Today through tomorrow morning, moderate to heavy rains are likely over Western and Eastern Visayas and MIMAROPA. Light to moderate with at times heavy rains are also possible over CALABARZON, Bicol Region, Mindanao, and the rest of Visayas," wika ng PAGASA kanina.
"Strong winds (i.e., strong breeze to near gale conditions) with occasional gusts will be experienced within any of the areas where Tropical Cyclone Wind Signal #1 is in effect during the passage of the tropical depression. This may generally cause up to very light damage to structures and vegetation."
Kaugnay ng sama ng panahon, nakalagay naman sa Tropical Cyclone Wind Signals ang:
Signal no. 1
- katimugang bahagi ng Masbate (Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Dimasalang, Uson, Mobo, Milagros, Mandaon, Esperanza, Placer, Cawayan, Balud)
- timog bahagi ng Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Santa Maria, Odiongan, Alcantara, Ferrol, Looc, Santa Fe, San Jose)
- katimugang bahagi ng Oriental Mindoro (Roxas, Mansalay, Bulalacao, Bongabong)
- katimugang bahagi ng Occidental Mindoro (Sablayan, Calintaan, Rizal, San Jose, Magsaysay)
- hilagang bahagi ng Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli) kasama ang Calamian at Cuyo Islands
- Capiz
- Aklan
- Antique
- Iloilo
- Guimaras
- Negros Occidental
- hilaga at gitnang bahagi ng Negros Oriental (Bais City, Mabinay, City of Bayawan, Basay, City of Tanjay, Manjuyod, Bindoy, Ayungon, Tayasan, Jimalalud, La Libertad, City of Guihulngan, Vallehermoso, Canlaon City)
- Cebu
- Bohol
Posibleng mag-landfall uli ang tropical depression sa bandang hilagang Palawan o Calamian Islands sa Martes ng umaga.
Nakikita namang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo sa Huwebes ng umaga: "It may likely be upgraded into a tropical storm by Tuesday evening or Wednesday early morning," dagdag pa ng PAGASA. — James Relativo