^

Bansa

'Respect agreements, rule of law': Isko Moreno sa ICC investigation sa 'drug war'

James Relativo - Philstar.com
'Respect agreements, rule of law': Isko Moreno sa ICC investigation sa 'drug war'
Kuha kay Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, ika-22 ng Setyembre, matapos ang opisyal na deklarasyon ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo sa 2022
Mula sa Facebook page ni Isko Moreno Domagoso

MANILA, Philippines — Patuloy naman daw kikilalanin at makikipag-ugnayan si Francisco "Isko Moreno" Domagoso sa International Criminal Court (ICC), na nakatakdang magsagawa ng full probe laban sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinanong kasi ng media si Domagoso, na tatakbo sa pagkapresidente sa 2022, kung makikipagtulungan siya sa imbestigasyon ng ICC kaugnay ng posibleng "crimes against humanity" ni Digong dahil sa human rights situation ng 'Pinas.

"'Yung ICC naman, rule of law will be observed. Any John Does and Mary, Juan Dela Cruz and Pedro can afford justice, fair opportunity, fair chance to avail laws that protects every citizen at the same manner," ani Domagoso sa kanyang proklamasyon ng kanditura kasama ang vice presidential tandem na si Dr. Willie Ong, Miyerkules.

"[If I win as president in 2022], we will continue to recognize our relationship with other countries, with our allies and agreement of our nation to the international organization."

 

 

Gayunpaman, hindi niya iklinaro kung makikipagtulungan siya sa ICC para panagutin si Duterte sa madugong war on drugs, bagay na kumikitil na sa buhay ng 6,181, ayon sa huling datos ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Una nang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque at chief presidential legal counsel Salvador Panelo na hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa imbestigasyong ito dahil sa kumalas na ang bansa sa ICC noong Marso 2019.

Dagdag pa nila, gumagana naman ang mga lokal na korte kung kaya't hindi na raw kailangan ang mekanismo ng international body.

Sa kabila nito, naninindigan ang iba't ibang grupo na may jurisdiction pa rin ang ICC sa mga krimeng nangyari bago lisanin ng Maynila ang ICC. May karanasan na rin ang ICC sa pag-iimbestiga sa mga state leaders na ayaw makipagtulungan sa mga reklamo.

Re-branded Duterte?

Dagdag pa niya, hindi raw siya "closet Duterte supporter," lalo na't si Sen. Grace Poe raw ang kanyang binoto noong 2016 national elections.

Sadyang bukas lang daw siyang makipagtulungan kahit sa administrasyon, oposisyon o mga progresibo basta't nagkakasundo sa mga programang mapakikinabangan ng taumbayan.

"I voted for Grace Poe. But I was given a chance by President Duterte to be part of peace talks … then I was appointed in GOCC, then I was appointed undersecretary," dagdag pa ng alkalde ng Maynila.

"It is not about the person alone, it is about the opportunity to serve. Kung tinatawag ng pagkakataon, yung aking maliit na kaalaman."

Agosto 2021 lang nang banatan ng partido pulitikal ni Domagoso na Aksyon Demokratiko si Duterte, matapos paringgan ng huli ang isang Metro Manila mayor na "palahubad" daw at dapat tanggalan ng kapangyarihang mamahagi ng COVID-19 lockdown cash aid.

Una nang inakala ng marami na tatakbo sa pagkabise presidente si Domagoso dahil sa pagsabi niyang "maghaharap" sila ni Duterte sa Oktubre, buwan ng filing ng certificate of candidacy. Si Duterte ay una nang nagpahayag na tatakbo sa pagka-VP sa ilalim ng partidong PDP-Laban. — may ulat mula kay The STAR/Marc Jayson Cayabyab

2022 NATIONAL ELECTIONS

HUMAN RIGHTS

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

ISKO MORENO

RODRIGO DUTERTE

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with