^

Bansa

Pilipinas iiitsapwera aprubadong ICC probe vs 'crimes against humanity' ni Duterte

James Relativo - Philstar.com
Pilipinas iiitsapwera aprubadong ICC probe vs 'crimes against humanity' ni Duterte
This photo taken on June 27, 2019, shows policemen at the crime scene where the body of a barangay (inner city neighborhood) health worker and former drug surrenderee Michael Oescayno, lies on the ground after unidentified gunmen.
AFP / Noel Celis

MANILA, Philippines — Tuloy na tuloy na ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) pagdating sa mga diumano'y paglabag extrajudicial killings at human rights situation ng Pilipinas, pero desidido pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte na 'wag makipagtulungan kaugnay nito.

Inaprubahan na kasi ng ICC, Miyerkules, ang "full investigation" sa crimes against humanity kaugnay ng madugong war on drugs ni Digong, bagay na sinang-ayunan ng mga hurado ng Hauge-based court kahit kumalas na rito ang Pilipinas noong 2019.

Pero gaya ng sinabi na noon ni presidential spokesperson Harry Roque noong Hunyo, hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa mga imbestigasyon kahit na maaprubahan ito, sabi ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo ngayong araw.

"[Duterte] will not cooperate since first of all, the Philippines has left the Rome statute [in 2018], so the ICC no longer has jurisdiction over the country," ani Panelo sa panayam ng dzBB, Huwebes.

"The government will not let in any ICC member to collect information and evidence here in the Philippines, they will be barred entry."

Tumutukoy ang Rome Statute sa tratadong nagtayo ng ICC, na siyang nag-iimbestiga at naglilitis sa mga pinakamalalalang krimen na tinututulan ng international community gaya ng "genocide, war crimes, crimes against humanity" at "crime of aggression."

Imbestigasyon kahit walang gov't cooperation

Kahit naging opisyal ang pag-alis ng Maynila sa ICC isang taon matapos mag-withdraw ng Pilipinas sa Rome Statute, pwedeng imbestigahan ng international court ang mga krimen na nabanggit sa itaas basta't nangyari ito bago ang Marso 2019, sabi ng Commission on Human RightsInvestigate PH at ilang abogado. 'Yan ay kahit makipag-ugnayan ang Pilipinas o hindi.

 

 

Ilang beses nang inaatake ni Duterte ang bukod-tanging permanent war crimes court ng mundo, habang tinatawag itong "bullshit."

Sa pinakahuling datos ng Philippine Drug Enforcement Agency, lumalabas na 6,181 na ang namamatay na tao mula anti-drug operations mula Hulyo 2016 hanggang ika-31 ng Hulyo 2021.

Gayunpaman, sinasabi ng human rights groups at preliminary investigation ni dating ICC Prosecutor Fatou Bensouda na maaaring mas mataas pa ito sa bilang na 12,000 hanggang 30,000, habang hindi raw nabibigyan ng due process ang mga suspek.

Isa pang teknikalidad ang mga extrajudicial killings na maaaring nangyari raw labas sa opisyal na police operations, kung kaya't maaaring mas mataas sa official government data ang mga datos, ayon sa ilang human rights groups. — may mga ulat mule sa Agence France-Presse

HUMAN RIGHTS

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with