MANILA, Philippines — Lalo pang tumindi ang bagyong "Kiko" habang nagbabadya nitong hagupitin ang extreme northern Luzon, ayon sa tala ng PAGASA ngayong Biyernes ng umaga.
Huling namataan ang mata ng Typhoon "Kiko" 220 kilometro silangan hilagangsilangan ng Casiguran, Aurora bandang 10 a.m., Biyernes.
- Lakas ng hangin: 195 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: 240 kilometro kada oras
- Direksyon: kanluran hilagangkanluran
- Bilis ng kilos: 20 kilometro kada oras
"Today through tomorrow evening, Typhoon Kiko will bring heavy to intense with at times torrential rains over the northeastern portion of Cagayan including Babuyan Islands and Batanes," wika ng PAGASA kanina.
"[it will also bring h]eavy to intense rains over northern Isabela and the rest of Cagayan."
Katamtaman hanggang malalakas na may minsanang matitinding pag-ulan namang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, northern at central Aurora at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.
Patuloy namang palalakasin ni "Kiko" ang Habagat, bagay na magdadala ng monsoon rains sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Western Visayas sa susunod na 24 oras.
Itinaas na rin ang mga tropical cyclone warning signal sa ilang bahagi ng bansa bunsod ng bagyo:
Signal no. 3
- dulong hilagangsilangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana)
- silangang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Didicas Is., Camiguin Is., and Pamuktan Is.)
Kaugnay niyan, mapaminsalang "typhoon-force winds" sa susunod na 18 oras ang mararanasan sa mga naturang lugar.
Signal no. 2
- Batanes
- nalalabing bahagi ng Babuyan Islands
- nalalabing bahagi ng mainland Cagayan (Aparri, Camalaniugan, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Buguey, Santa Teresita, Tuguegarao City, Iguig, Amulung, Alcala, Allacapan, Lasam, Ballesteros, Abulug)
- hilagangsilangang bahagi ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan)
- hilagangsilangang bahagi ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol)
Damaging gale-force hanggang storm-force winds naman ang nararanasan na o maaasahan sa mga nasabing lugar sa susunod na 24 oras.
Signal no. 1
- nalalabing bahagi ng mainland Cagayan
- silangang bahagi ng Ilocos Norte Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg, Bangui, Vintar, Carasi, Nueva Era, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City, Piddig, Solsona, Dingras, Sarrat, San Nicolas)
- nalalabing bahagi ng Apayao
- hilagang bahagi ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, City of Tabuk, Rizal)
- silangang bahagi ng Mountain Province (Paracelis)
- hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
- hilagangkanluran at timogsilangang bahagi ng Isabela (Santa Maria, Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Cabatuan, Aurora, City of Cauayan, Angadanan, San Guillermo, Dinapigue, San Mariano, Cabagan, Santo Tomas, Delfin Albano, Tumauini, Quirino, Burgos, Gamu, Ilagan City, Luna, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven)
- hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran)
Malalakas na hangin naman ang maaasan sa mga nabanggit na lugar sa itaas.
Hindi pa rin iniisantabi ang posibilidad ng landfall sa hilagangsilangang bahagi ng Cagayan. Gayunpaman, pwede pa ring mabago ang track forecast ni "Kiko."
Pagkaraan sa kalugaran ng extreme northern Luzon, kikilos pa pahilaga ang Typhoon Kiko bukas hanggang Linggo ng hapon at maaaring mag-landfall sa eastern Taiwan o tumawid sa coastal waters nito.
"The typhoon is forecast to exit the Philippine Area of Responsibility on Sunday afternoon or evening," dagdag pa ng PAGASA.
"Typhoon 'KIKO' is forecast to slightly intensify up to 205 km/h in the next 12 hours. After passing the coastal waters of northeastern Cagayan, the typhoon will slightly weaken while moving over Extreme Northern Luzon." — James Relativo