^

Bansa

Pagtanggap ng 'Pinas sa mga bata, babaeng refugees mula Afghanistan pinabibilisan

James Relativo - Philstar.com
Pagtanggap ng 'Pinas sa mga bata, babaeng refugees mula Afghanistan pinabibilisan
Afghan refugees hold a demonstration in front of the United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) office in Jakarta on August 24, 2021, calling for clarity on their status in Indonesia.
AFP/Bay Ismoyo

MANILA, Philippines — Pinapapaspasan ngayon ng isang senadora ang pagpapapasok ng mga lumilikas na bata't kababaihan mula Afghanistan sa gitna ng kaguluhang nangyayari ngayon sa naturang bansa, kasunod ng pahayag ng Palasyo na bukas ito sa mga asylum seekers mula roon.

Martes noong nakaraang linggo nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi magdadalawang-isip ang Pilipinas na tumanggap ng mga dayuhang lumilikas mula sa takot ng persecution, bagay na inilinaw na rin daw noon ng Korte Suprema.

Kamakailan lang nang bumagsak ang Afghanistan sa kamay ng Islamist movement na Taliban, na kinikilalang mga "terorista" ng iba't ibang bansa.

"Women and children often pay the price of senseless wars. The tragedy has left the whole world stunned, but we cannot be paralyzed into inaction," ani Sen. Risa Hontiveros sa isang pahayag, Miyerkules.

"Bigyang prayoridad na sana ng Executive na matulungan ang mga kababaihan at kabataang naghahanap ng masisilungan. Ipakita natin sa buong mundo na laging handang mag-aruga ang mga Pilipino."

Sa inihaing Senate Resolution 881 ni Hontiveros, idiniiing nasa 80% ng mga displaced persons sa Afghanistan ngayong taon ay binubuo ng mga bata't kababaihan.

Bagama't malambot ang tono ngayon ng Taliban pagdating sa karapatan ng mga kababaihan sa Afghyanistan, iginigiit ng senadora na tila kabaliktaran ito sa aktwal na pangyayari at aksyonng grupo nitong mga nagdaang taon.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na dadaan sa mahigpit na screening ng gobyerno ng Pilipinas ang mga asylum seekers para na rin maipigilan ang pagpasok ng mga terorista sa bansa.

"If Afghan nationals do arrive in the Phi­lippines and apply for permanent status as refugees, the Department of Justice Refugees and Stateless Persons Unit will evaluate whether they meet the international standards for refugee status," ayon sa kalihim noong nakaraang linggo.

"Upon determination and grant of refugee status by the DOJ, the Bureau of Immigration will implement the decision and issue the appropriate documentation to the applicant."

Kinilala naman ito ni Hontiveros ngunit mainam daw na makapag-establish ng rescue mechanisms at makapag-expore ng channels of support: "We should also prioritize women and girls, considering they are the most oppressed under Taliban rule," dagdag niya.

"The world risks losing a generation of smart, intelligent, and courageous women if the Taliban succeeds in capturing and persecuting them. Let us not shirk our obligations in ensuring that the humanity and dignity of every Afghan woman and child are restored."

Nananawagan din ngayon ang senador sa national government agencies na tulungan ang mga refugees at makipag-ugnayan para maayos ang kanilang tutuluyan, pagkukunan ng mahahalaga at emergency health services lalo na sa mga buntis. Maganda rin daw na mapabilis ang pag-asikaso ng kanilang visas at iba pang travel documents habang hindi kinaliligtaan ang mga limitasyong dulot ng pandemya.

Matatandaang lumikas din noon sa Pilipinas ang mga Hudyo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Taong 1979 naman nang magtayo ng asylum center sa Pilipinas para iproseso ang mga lumilikas mula sa Vietnam sa pagtatapos ng digmaan doon.

AFGHANISTAN

ASYLUM

HARRY ROQUE

PHILIPPINES

REFUGEE

RISA HONTIVEROS

TALIBAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with