^

Bansa

Urong-sulong: Duterte 'di tatakbong VP kung Sara magpre-presidente sa 2022, sabi ng PDP-Laban faction

James Relativo - Philstar.com
Urong-sulong: Duterte 'di tatakbong VP kung Sara magpre-presidente sa 2022, sabi ng PDP-Laban faction
In this Sept. 18, 2017 photo, President Rodrigo Duterte spares time for his grandson to Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Marko Digong on the sidelines of the 6th Mandatory Continuing Legal Education Accredited National Convention of Public Attorneys opening ceremony at the Tent City in Manila Hotel, Manila.
PPD/Richard Madelo

MANILA, Philippines — Atras-abante ngayon ang isang isang paksyon ng PDP-Laban pagdating sa kandidatura ng kanilang standard-bearers sa taong 2022, gayong nakasalalay daw dito kung tatakbo sa panguluhan ang anak ng kanilang vice presidential candidate.

Martes lang nang sabihin ni PDP-Laban executive vice president Karlo Nograles na kinumpirma na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagtakbo sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno. Kinumpirma naman ito ni Digong sa kanyang televised address kagabi:

"Gusto talaga ninyo? Oh, sige, tatakbo ako ng bise presidente. Then I will continue the crusade. I’m worried about the drugs, insurgency — well, number one is insurgency, then criminality, drugs. I may not have the power to give the direction or guidance, but I can always express my views in public. For whatever it may be worth in the coming days, nasa Pilipino na ‘yan. Nandiyan lang ako, magsabi lang ako."

Sa kabila niyan, tila biglang-bawi naman ngayon si Nograles nang tanungin kung tototohanin ni Digong ang pagtakbo kung kakandidato sa pagkapresidente si Davao City Mayor Sara Duterte — presidential daughter at hindi miyembro ng PDP-Laban.

"Ang sinasabi niya [Duterte], 'pag tumakbo si Mayor Inday Sara Duterte, ang kanyang anak, sa pagkapangulo, malamang magbabago ang isip niya. Kasi as it stands right now... hindi niya gusto na Duterte-Duterte ang tatakbo," ani Nograles ngayong Miyerkules sa panayam ng CNN Philippines.

"He said na 'yung Duterte-Duterte, to him... he's not convinced that it should happen, at least for this 2022 national elections."

Si Sara ay miyembro ng regional party na Hugpong ng Pagbabago at kasalukuyang numero uno sa Pulse Asia survey pagdating sa posisyon ng pagkapangulo sa 2022.

Si Sen. Christopher "Bong" Go at hindi si Sara ang ineendorso ng PDP-Laban faction na pinangununahan ng kanilang presidente at Energy Secretary Alfonso Cusi.

Hindi pa madiretso ng Cusi wing ng PDP-Laban kung may ipapalit na silang standard bearers para sa 2022 kung tatakbo si Sara sa posisyon. Hindi rin nila madiretso kung ieendorso nila si Sara kung nagkataon.

Habang wala pang ibang komplikasyon na nangyayari, siguro naman daw sina Nograles na si Duterte ang kanilang inonomina sa VP position pagdating ng ika-8 ng Setyembre. Matapos nito, aantayin na lang nila ang Oktubre para sa filing ng ceritificate for candidacy.

Pacquiao wing ng PDP: Si Sara talaga kandidato nina Cusi

Samantala, binanatan naman ng isa pang kampo ng PDP-Laban ang desisyong ito nina Cusi at sinabing plano lang ito para itanghal talaga si Sara bilang kandidato ng partido sa 2022.

"[T]he grassroots members of the party believe that the Go-Duterte tandem is merely a smokescreen/distraction for their real candidate Davao City Mayor Sara Duterte," ayon sa kabilang paksyon ng partido na kinapapalooban nina Sen. Manny Pacquiao, dating presidente ng PDP-Laban.

"It's very impossible that the right hand of the President will go against his boss' daughter. This tandem is merely a distraction to shield their "real" candidate from poltical attacks & to weaken the PDP Laban with this decoy candidacy."

Kabalintunaan daw na itinatag ang PDP-Laban bilang paglaban sa tiraniya, diktadurya at paghahari ng iisang pamilya sa pulitika ngunit ginagamit na sa ganiutong pamamaraan para palawigin pa ang kapangyarihan.

Binanatan din ng kampo nina Pacquiao ang pagnomina ng Cusi wing sa limang personalidad sa pagkasenador gayong wala hindi man lang sila miyembro ng PDP-Laban.

Tinutukoy nila sina:

  • House of Representatives Deputy Speaker Rodante Marcoleta
  • Department of Information & Communications Technology Secretary Gregorio Honasan
  • Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo
  • Department of Transportation Secretary Arthur Tugade
  • Department of Public Works & Highways Secretary Mark Villar

'Gusto lang ni Duterte makaligtas sa ICC'

Kinastigo naman ng Anakpawis party-list ang "pagpapaubaya" ni Duterte kina Sara oras na mapagdesisyunan ng huli ang pagtakbo sa panguluhan. 

Kahit anong mangyari, gagamitin lang daw kasi ito upang maprotektahan ang matandang Dutete sa napipintong charges ng "crimes against humanity" pagdating sa madugong war on drugs ng administrasyon.

"Whether it is 'Don Juancho dela Cruz - Rodrigo Duterte' or 'Sara - Digong' tandem, it is still the same #DutertePalpak and #DuterteKorap brand of traditional politics the Filipino people have been opposing," ani Ariel Casilao, national president ng Anakpawis party-list.

"It falls perfectly on the old Duterte's plan to protect himself from accountability on the ICC charges and by the Filipino people.  We should all rise up against this archaic evil plan. Moreover, we should not fall as victims to this latest 'squid tactics' to veer our focus away from the COA's flagging of budget irregularities and continue holding him responsible for his socio-economic crimes against the people."

2022 NATIONAL ELECTIONS

ANAKPAWIS PARTY-LIST

MANNY PACQUIAO

RODRIGO DUTERTE

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with