^

Bansa

Piskal sa Quezon City nadale ng ‘basag kotse’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabiktima ng mga mi­yembro ng notoryusong “Basag Kotse Gang” ang isang piskal at natangayan ng cash at mahahalagang kagamitan matapos na basagin ng mga suspek ang nakaparada nitong SUV sa isang parking lot sa Brgy. Vasra, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kaagad na nagtungo sa presinto si Quezon City Assistant City Prosecutor Solivan Lunes Usman, 47, at residente ng Brgy. Krus na Ligas, upang ireklamo ang insidente.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Angel Pascasio ng Quezon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente. Ipinarada ni Usman ang kanyang kulay itim na Mitsubishi Pajero sa parking lot ng12 Visayas Avenue sa Brgy. Vasra at pumasok siya sa isang establisimyento na malapit doon. Gayunman, makalipas ang ilang minuto nang balikan nito ay laking gulat niya nang makitang basag na ang bintana sa driver’s side ng sasakyan.

Nalimas ng mga suspek ang laman ng sasak­yan kabilang ang itim na bag ng biktima na naglalaman ng isang Taurus .9mm na may serial no. TUL 20816 at nagkakalahaga ng P30,000; grey bag na may MSI Laptop na nagkakahalaga ng P25,000; P30,000 cash; wallet na may mga ID’s at ATM cards at isang itim na bag na kinalalagyan ng kanyang mga office records.

vuukle comment

BASAG KOTSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with